Login via

Once Upon A Time novel Chapter 1

“BABY, you can forget everything. But please,” Pabirong kumindat si Selena. “Don’t ever forget that you love me.”

I didn’t. And I never will. Ikaw ang nakalimot, mahal. Bulong ng puso ni Dean habang pinagmamasdan ang pagrehistro ng matinding pagkadismaya sa magandang mukha ng asawa nang dalawin niya ito sa hospital room nito. Malinaw na hindi siya ang inaasahan nitong makita.

Sandaling napahinto si Dean sa paghakbang palapit kay Selena. Pakiramdam niya ay may daan-daang patalim na tumatarak sa puso niya nang mga sandaling iyon. Napakalapit lang ng asawa. Abot-tanaw niya. Abot-kamay niya. Pero hindi niya pwedeng abutin. Hindi niya pwedeng yakapin. Ni hindi niya ito mahawakan sa takot na kumawala ang gahibla na lang na kontrol niya sa sarili at hindi na ito mapakawalan pa.

Nag-alis si Dean ng bara sa lalamunan bago niya nagawang magsalita. “I’m sorry if I’m not the one you’re expecting, Selena.”

“Silly,” Ngumiti si Selena. Isinenyas nito ang couch hindi kalayuan sa kama nito. “Maupo ka na muna. It’s been a while, Dean.” Sandali itong napasulyap sa kalong niyang sanggol. “Kamusta ka na?”

‘Still alive. But every part of me feels dead. Buhay na patay. Ganoong-ganoon ako ngayon. Gustong-gusto kitang yakapin. Gusto kong humugot ng lakas sa ’yo. Kasi Selena… ubos na ubos na ako. How he wished he could say those words. Pero ang mga bagay na iyon ay mananatili na lang sa isipan niya. “I’m… fine. Ikaw, kamusta ka na?”

Ilang sandaling kumunot ang noo ni Selena. Pinakatitigan nito si Dean na para bang pilit na binabasa ang nilalaman ng isipan niya bago ito muling ngumiti. “Strange. Now that I see you, I feel like I’ve really missed a lot of things. Frankly, hanggang ngayon ay nahihirapan akong maniwala sa sinasabi nilang may amnesia ako. Everything just feels… the same. Except for the date, of course.

“Pero nang makita kita at ang bata, ngayon na ako naniwala.” Sa halip ay gulat na sagot ni Selena. “May anak ka na pala? And don’t you dare lie to me. The baby looks exactly just like you, Dean.” Muli itong napatitig sa kalong niyang sanggol. “Kinuha mo man lang ba akong ninang niya? Magtatampo ako kapag nalaman kong hindi. Para namang wala tayong pinagsamahan kung gano’n.”

Gustong matawa ni Dean sa mga naririnig. Iyon mismong ina ng anak ko, tinatanong ako kung kinuha ko daw ba siyang ninang nang binyagan ang anak ko. Good Lord, what have I done wrong? Bakit ba ang lupit ng mundo sa isang tulad niya? Anong klaseng parusa ba ito?

Bigla ay gusto ni Dean na ikumpisal na ang lahat… kung hindi niya lang nakikita ang mga bantay ni Selena na nakasilip sa kanya sa pinto ng kwarto na para bang sinisiguro na tutupad siya sa usapan, sa lintik na usapan nila ng mga amo ng mga ito.

“Come here.” Tinapik ni Selena ang espasyo sa tabi nito sa kama nito. “Ipakita mo naman siya sa akin ng husto. He’s such a handsome little boy. Anong pangalan niya? And where is his mother? Bakit hindi mo siya isinamang dumalaw rito?”

“His name is Elijah.” Our Elijah. Ikaw mismo ang nagbigay ng pangalan sa kanya, mahal. “His mother? Well… she woke up one day and found her heart beating for someone else.” Mapaklang wika ni Dean kasabay nang paglapit kay Selena. Pero hindi siya lumapit ng husto rito. Isa iyong sugal na hindi niya alam kung magagawa niyang panindigan pagkatapos.

Sa stool sa tabi ng kama ng asawa naupo si Dean. Narinig niya ang pagsinghap nito. Nagsisikip ang dibdib na ibinaling niya na lang ang atensyon sa anak… sa natitira niyang anak.

Nahuli ni Dean ang sanggol na nakatitig rin sa kanya. Pakiramdam niya ay nakatitig siya sa sariling repleksiyon sa salamin. Because he felt as vulnerable as his son. Bukod pa roon ay hindi maitatangging kamukhang-kamukha niya ito. Hangga’t maari ay pinipilit niyang magpakatatag para sa anak pero sa mga ganitong pagkakataon na nakakaharap niya ang ina nito, lahat ng sakit, pigilan niya man ay sabay-sabay na bumabalik.

Nang ngumiti ang sanggol ay nag-ulap ang mga mata ni Dean. Naalala niya noong mga panahong kinukwentuhan ni Selena ng fairytale ang kanilang kambal sa tuwing matutulog na ang mga ito. Matipid na napangiti siya. “Do you want daddy to tell you a story, son?”

Muling ngumiti ang sanggol.

“All right. Here it goes. Once upon a time, there lived a beautiful princess who fell in love with the prince’s subordinate.” Bumalik ang mga mata ni Dean kay Selena na nahuli niyang nakatitig rin sa kanya. “And together, they lived happily… but only for a while. The end.”

Umawang ang mga labi ni Selena. “Prinsesa na na-in love sa isang tagasunod ng prinsipe? Dean, are you aware that you are changing the story?”

Napatango-tango si Dean. “Siguro nga. Pero hindi naman kasi isang fairytale ang kinukwento ko sa anak ko, Selena. It’s the story between me and his mother that took place once upon a time.” And God, how I wish I could go back to that once upon a time.

Chapter One

Comments

The readers' comments on the novel: Once Upon A Time