PROLOGUE
“CHOOSE your assignment.”
Mabilis na sinalo ni Clarice ang inihagis ni Maggy na envelope pagkapasok nito sa opisina nila. Kunot ang noong sinilip niya ang laman niyon. Kaagad na nakuha niya ang ibig sabihin ng kaibigan nang makita ang close-up na kuha ng tatlong mga lalaki. Inisa-isa niyang tingnan ang mga litrato. Walang itulak-kabigin sa kagwapuhan ng mga lalaki roon. Bawat isa ay nagpakita ng pasilip sa personalidad ng mga ito base na rin sa itsura sa litrato.
Ang una ay pormal ang anyo at ni walang mababakas na anomang emosyon sa mga mata. Ang pangalawa ay mayroong suot na salamin sa mga mata at may hindi komportableng ngiti sa mga labi na para bang hindi sanay magpakuha ng litrato habang ang pangatlo ay mapanukso kung ngumiti at may mga matang nakalalasing kung tumitig. Ang huli ang siyang mas nakakuha sa kanyang atensiyon.
Siguro ay sa dahilang nakuha ng huli ang mga mata at labi nito sa ina, hindi tulad ng dalawang kapatid ng lalaki na mas nakahahawig sa ama ng mga itong si Benedict McClennan, ang lalaking kinasusuklaman nilang magkakaibigan. Ang dahilan ng pagkasira ng kanilang mga pamilya.
Kung ang lalaki ang siyang magiging target ni Clarice, magagawa niyang kontrolin ang galit kahit paano dahil hindi siya matutuksong takpan ang mukha nito sa tuwing makakasama niya ito. Kinuha niya ang litrato at ipinakita kay Maggy.
“I will take this one,” ani Clarice bago ipinasa sa katabing si Yalena ang dalawa pang litrato para ito naman ang pumili. Ang matitira ay automatic na mapupunta kay Maggy.
Napatango-tango si Maggy. “That’s Alano McClennan, the infamous playboy. Siya ang pangalawa sa magkakapatid at ayon sa bali-balita ay siya ding pinakamapaglaro sa kanilang tatlo. Sigurado ka na ba, Clarice?”
Amused na ngumiti si Clarice. “Dapat na ba akong mainsulto dahil mukhang pinagdududahan mo ang kakayahan ko, Maggy?”
Natawa si Maggy. “Ang layo na ng narating mo, Clarice. Paano ko magagawang magduda sa `yo?” Itinaas nito ang mga kamay tanda ng pagsuko. “You have always been the asset in our business; you have your way with people. So, a tease versus a tease…” Kinindatan siya nito. “Will surely be a fight worth watching for.”
Bumuka ang bibig ni Clarice para magsalita pero napigilan iyon nang tatlong magkakasunod na katok mula sa labas ng pinto. Nagkatinginan silang magkakaibigan. Ilang sandali pa ay pumasok mula roon si Julian. Napalunok siya.
“Clarice, I need to talk to you—” Nahinto si Julian sa pagsasalita nang makita ang litratong hawak niya. Julian was the only person she ever trusted; he was her best friend aside from Maggy and Yalena. But unfortunately… he fell in love with her.
In another circumstances, Clarice would have allowed herself to fall for Julian, too. But she cannot do that at the moment. Marami pa siyang misyon na kailangang unahin kaysa ang magpatangay sa pagmamahal na kayang ibigay ng binata.
“So… itutuloy n’yo ang plano?”
Ang lalaki lang ang nakakaalam ng plano nilang magkakaibigan. Hindi niya kayang maglihim sa huli.
“Yes,” walang emosyon na sagot ni Clarice.
Ilang sandaling natigilan si Julian habang nanatili namang tahimik ang mga kaibigan niya na nakikiramdam. Sunod-sunod na mararahas na paghinga ang pinakawalan ng binata bago muling nagsalita. “You don’t have to go back to the Philippines and risk getting hurt all for revenge. Kaya kitang tulungan, Clarice. I have my men who can—”
“The best revenge is not hurting someone physically, Julian.” Pinapormal ni Clarice ang boses. “It’s targeting the human’s most sensitive part… the heart.”
“Hindi na kami tulad ng dati. Kung tutuusin ay kayang-kaya na naming gumanti ngayon sa mas madaling paraan, Julian,” sabad ni Yalena. Gaya ni Clarice ay nakapili na rin ito ng litrato. “Pero masyadong malaki ang utang ng mga McClennan sa amin para bumigay kami sa paraang ‘yon. Ang tagal namin itong hinintay. We can’t be distracted by the easy way no matter how tempted we are to do so.”
Nanikip ang dibdib ni Clarice. Dalagita pa lang silang magkakaibigan ay ipinangako na nila sa burol ng kanilang mga mahal sa buhay na pagbabayarin nila si Benedict McClennan, ang tinik sa buhay nila. Pero hindi nila matagpuan ang matanda. At malakas ang kutob nilang itinatago si Benedict ng mga anak nito. Kaya nagpasya silang ang unang sisirain ay ang mga bumabakod sa matanda—ang tatlong lalaking anak nito, ang mga sanga ni Benedict.
“You are really leaving?” sa halip ay tanong ni Julian.
“Yes,” walang pag-aalinlangang sagot ni Clarice. Hindi siya dapat magpadala sa nakarehistrong sakit sa mga mata ng binata. Sa tindi ng hirap na pinagdaanan nila nina Maggy at Yalena sa loob ng ilang taon para makarating sa kinalalagyan nila ngayon, may isang bagay siyang na-realize; life is a battle. And sacrifice is a must.
Because no one wins without sacrificing… a whole damn lot.
CHAPTER ONE
“YOU MADE my day by being here with me, Clarice. Thank you.”
Mula sa balikat ng lalaking kasayaw ay umangat ang palad ni Clarice sa mukha ni Russel. Mapang-akit na pinaglandas niya ang mga daliri sa pisngi nito at matamis na ngumiti. Marahan siyang natawa nang makita ang paglunok ng binata. Kung alam lang ni Russel na kung tutuusin ay siya pa ang dapat na magpasalamat dahil pinadali nito ang plano niya.
Noong nakaraang linggo lang nakabalik si Clarice sa Pilipinas mula sa Nevada. Maggy had everything set already. Naihanda na ng kaibigan ang lahat para sa pagbabalik niya sa bansa, ang tutuluyan niya pati na ang kotse na gagamitin. Nakaparada na iyon sa resort sa mismong araw ng pagdating niya. Kinuha na lang niya ang susi niyon sa tauhan ni Maggy sa bansa na si Radha na siya ring sumundo sa kanya sa airport. Walang dudang alam ni Maggy na nakatatandang kapatid na babae ni Russel ang siyang may-ari ng exclusive resort kung saan siya pansamantalang nanunuluyan kaya doon ang piniling lugar ng kaibigan para sa kanya.
Lihim na napangiti si Clarice sa naisip. She had always been the risk taker among her best friends. She makes the necessary urgent decisions. Si Maggy naman ang siyang pinakatuso. While Yalena, Maggy’s fraternal twin sister, was the most observant and analytical among them.
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan