Nabigla si Clarice pero mabilis ding nakabawi. Nang tumayo si Alano ay tumayo na rin siya. Inilapit niya ang katawan sa binata. Hindi nakaligtas sa kanya ang paghugot nito ng malalim na hininga. Tuluyang idinikit niya ang katawan kay Alano. She felt him tensed as she whispered in his ear. “Never mind.”
Tinalikuran na niya ang binata at nagsimulang maglakad palayo. Matagumpay na napangiti siya. Alam niyang nakapagsimula na siya sa kanilang munting laro. Kung saan-saan na siya napadpad sa nakalipas na mga taon na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makakilala ng iba’t ibang uri ng tao. Sa ilang taon na ni Clarice sa mundo ng pagmomodelo ay nakabisa na niya ang mga paraan ng mga lalaki. Ang mga titig, ang mga salita, at higit sa lahat, ang kakaibang reaksiyon ng katawan ni Alano lalo na ang kakaibang naramdaman niya sa bahagi ng kanyang puson nang ilapit sa binata ang sarili ay malinaw na indikasyong... gusto siya nito.
“Wait.”
Napahinto si Clarice sa paglalakad nang may matatag na kamay na pumigil sa braso niya. Nangingiti pa ring humarap siya kay Alano. Seryoso na ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. “Yes?”
“Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko. I am Alano McClennan. You are the first woman who ever dared to walk out on me and I feel really vengeful,” anang binata bago siya kinuyumos ng halik sa kanyang mga labi.
Natulala si Clarice.
HINDI huminto sa pag-inog ang mundo tulad ng mga nabasa minsan ni Clarice sa mga romantic novels na ginagawa niyang pampaantok noon. But she knew that the moment Alano claimed her lips, the world will never be the same again. She also knew she will never look at Alano the same way again.
Nahalikan na rin si Clarice minsan ni Julian sa mga labi noon mismong araw na sinubukan siyang pigilan ng binata sa pagbabalik sa Pilipinas para isakatuparan ang plano nila ng mga kaibigan. Pero hindi ganoon katindi ang naramdaman niya. Nanatili siyang mulat at nakatitig lang sa pangahas na mukha ni Alano na para bang nagpaparusa sa mga labi niya nang mga sandaling iyon. She was only too glad his eyes were closed.
Ang isang kamay ni Alano ay humapit sa kanyang baywang habang ang isa naman ay naglakbay pataas sa kanyang likod. Her bareback gown made him touch her skin directly. Mariin siyang napapikit sa bawat paghaplos nito na nagdudulot ng laksa-laksang kuryente sa kanyang buong katawan. He was an expert at this and that made him dangerous. Alano was kissing her in a rather harsh way and yet, she feels intoxicated. Pakiramdam ni Clarice ay nalalasing siya sa bawat paggalaw ng mga labi nito. Ilang sandali pa ay naging mapaglaro ang mga halik ng binata. Tinukso-tukso nito ang mga labi niya hanggang sa tuluyan itong huminto.
Ilang saglit pa ay nasorpresa si Clarice nang bigla siyang ikulong ni Alano sa mga braso nito. Narinig niya ang sunod-sunod na mararahas na paghinga ng binata. “Thirty-two years, Clarice. I’ve been living for thirty-two years and I have never for one moment, lost control,” bulong nito. “Hanggang sa dumating ka. Every single inch of my body is dying to touch you, to kiss you, and to make love to you right here, right now.” Pinaulanan nito ng halik ang kanyang leeg pababa sa kanyang balikat. “Damn, you captured me back in Denver.”
Napaawang ang bibig ni Clarice. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Bahagyang inilayo ni Alano ang katawan kay Clarice. “I will never let you go anymore,” sa halip ay sagot nito. “Come, ihahatid na kita para alam ko kung saan kita uli makikita.”
Sa wakas ay natauhan na si Clarice. Bumalik ang mga mata niya sa mansion. Kahit pa naghatid ng sakit ng ulo si Russel ay utang niya pa rin sa lalaki ang unang pagkikita nila ni Alano nang walang kahirap-hirap sa parte niya. At bilang kabayaran ay ang huli rin dapat ang maghatid sa kanya tulad ng inaasahan nito.
“What about Russel?”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan