SA LOOB ng ilang sandali ay hinayaan ni Clarice si Alano na gawin ang gusto nito. Naramdaman niya ang paghapit ng isang braso nito sa kanyang baywang palapit sa matipunong katawan nito. Walang kahirap-hirap ding nakapasok ang binata sa loob ng kanyang inookupang kwarto habang patuloy pa rin ito sa pananaliksik sa kanyang bibig. Itinulak ng paa nito ang pinto pasara pagkatapos ay mabilis na naisandal siya sa pinto.
"You taste divine, Clarice," pabulong na sinabi ni Alano bago sinimulang kalasin ng isang kamay nito ang tali ng kanyang bath robe. Natigilan ang binata nang tumambad sa mga mata nito ang kahubdan niya.
Alano's eyes made her proud and beautiful. Because there was wonder in those blue eyes, there was admiration and lust. "You are by far, the most beautiful woman I've ever seen in my whole life, Clarice."
Naipikit ni Clarice ang mga mata nang hindi niya na matagalan ang mga titig ni Alano. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na naging ganoon siya kapangahas. Sa isip ay para bang nakita niya ang determinadong mga mata nina Maggy at Yalena. Naikuyom niya ang mga kamay. Ilang ulit niya pang ipinaalala sa sarili na para iyon sa misyon na kailangan niyang gawin para mas makuha ang loob ni Alano. She had to show him all her assets... And lay her cards on the table. Ang rumaragasang poot sa dibdib niya nang ang mukha ni Benedict ang sumunod na maalala ay nagbigay sa kanya ng tapang at lakas ng loob para dumilat.
Ipinalibot ni Clarice ang mga braso sa batok ni Alano bago hinalikan sa mga labi sa pagkasorpresa nito. It was also the first time she ever kissed a man. She felt him smile against her lips. Ilang sandali pa ay ginabayan siya ng binata sa tamang paraan ng paghalik. Dahil sadyang mabilis turuan, mayamaya lang ay nagawa niya nang gantihan ang bawat halik nito sa kaparehong intensidad.
Bumaba ang mga labi ni Alano sa kanyang leeg. "You smell so good," pabulong pang sinabi nito bago nagsimulang bumaba ang mga kamay.
Napahugot siya ng ilang malalalim na hininga. She allowed those warm hands to wander until her belly and stopped them when they were about to explore deeper... And further.
Alano groaned in frustration. "Clarice?"
"I stick by my own rule, McClennan." Tinapik-tapik ni Clarice ang mga kamay nito bago iyon inilayo sa kanyang katawan. "No marriage... No going under."
Ilang segundong gulat na napatitig lang sa kanya si Alano habang unti-unti naman siyang napapangiti.
"Tease."
Natawa na lang si Clarice at pilit pinagtakpan ang sariling damdamin. Pero hirap na hirap siya. Dahil ramdam na ramdam niya pa rin ang apoy na dulot ng mga kamay ni Alano sa kanyang katawan. Noong una ang akala niya ay plantsado na ang plano. Alam niyang ang ganitong klaseng pagkakataon sa pagitan nila ng binata ay hindi maiiwasan. Noong iniisip niya iyon bago pa siya bumalik sa Pilipinas ay para bang isang laro lang ang lahat. Madali lang kung iisipin pero ibang usapan na pala kapag aktuwal na. Mahirap pala. Daig niya pa ang kahoy na sinisilaban nang mga sandaling iyon.
Pagnanasa, ilang beses niya na bang nakita iyon sa mga modelo noon na sumubok pang ligawan siya? Pero kakaiba ang epekto sa kanya ni Alano. It would have been easier if only her target was another man. Na hindi tulad nito kung humaplos at humalik. Hindi lang simpleng pagnanasa ang mababakas sa mga mata ng binata. There was more. Sa kabila ng lahat ay mayroon ding kalakip na paghanga sa mga matang iyon kung tumitig sa kanya. Mayroon ding respeto at iba pang emosyon na hindi niya magawang pangalanan. Naipilig ni Clarice ang ulo. Damn it.
"I'm glad, you know. Because you proved once again today that you're different from others. Kakaiba ka. You're preserving yourself and I... love it and hate it at the same time because I know what happened just now will give me another sleepless night." Ilang sunod-sunod na paghinga ang pinakawalan ni Alano bago muling lumapit kay Clarice at ibinuhol ang tali ng bath robe niya pagkatapos ay hinila siya. Pumaloob siya sa mga braso ng binata.
Damang-dama niya ang mabilis na paghinga nito na para bang sinusubukan lang pigilan ang sarili bago siya marahang kinagat sa kanyang leeg. "Maaga pa," namamaos na bulong nito. "Get dressed. We'll go to church. May nadaanan ako kaninang papunta ako rito. Siguradong aabot pa tayo sa second mass."
Nasorpresa si Clarice. "What?"
"Come on, it's Wednesday." Inilayo na ni Alano ang katawan sa kanya. Ngumisi ito. "Maghuhugas ako ng kasalanan sa tumatakbo ngayon sa isip kong gawin sa 'yo. Get in your room now, Clarice. Seeing you like this, I couldn't help but wonder how it'd feel should I touch and kiss what's under your robe." Tumaas-baba ang Adam's apple ng binata bago ito nag-iwas ng mga mata sa kanya. Naupo ito sa couch. "This is making me ache inside. So, damn it, quit standing there and run to your room now before I grab you back into my arms again."
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Clarice. Kontrolado na uli ang paghingang naglakad siya papunta sa kanyang kwarto. Kahit pa namumula ang mga pisngi sa sariling kapangahasan ay lumawak pa rin ang ngiti niya nang maalala ang matinding pagpipigil ni Alano sa sarili.
Ngayon niya napatunayan na may kontrol na siya sa binata. Unti-unti ay makakaya niya na itong mapasunod. Napailing siya nang maalala ang panunuksong ginawa kay Alano noong tawagan niya kahit pa alam niyang nasa opisina ito. Kauuwi lang niya noon mula sa sementeryo. Nang i-text siya ni Radha at sinabihang nakita na nito ang pag-park ng binata ng kotse sa resort ay saka lang siya nagmamadaling tumayo, nagpunta sa banyo, at naligo.
And now after what just happened, they are going to church. What a very unexpected place to be for a McClennan.
"MADALAS ka bang magsimba?" Pagbasag ni Clarice sa katahimikan sa pagitan nila ni Alano habang nagmamaneho ito pabalik sa resort. Pagkatapos nilang magsimba ay kumain na muna sila sa restaurant na nadaanan bago ito nagpasyang ihatid na siya.
"Oo, kahit hindi halata." Napangiti si Alano. "Si Mama ang dahilan. She made me and my brothers believe in the unseen. Austin's a nerd, Kuya Ansel's a dictator and probably the most stubborn among us three while I was considered a player but we do have one thing in common: our faith."
Sandaling nilingon ni Alano si Clarice. Nakita niya ang sincerity sa mga mata ng binata at paghanga para sa ina nito. "Our mom can be a little frustrating at times but we adore her." Mayamaya, may kung ano itong dinukot mula sa bulsa ng slacks. Nasorpresa siya nang makakita ng puting rosary. "Meron kaming tatlo nito nina Austin." Muli itong ngumisi. "Pinabasbasan ni Mama. Proteksiyon daw mula sa mga kaaway."
"Effective ba naman? Napoproteksiyunan ka ba naman?"
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan