“YOU SAID you want the romantic things but you don’t believe in love. Bakit?”
Ilang sandaling natahimik si Clarice bago unti-unting gumuhit ang matipid na ngiti sa mga labi. “Because I’m still a woman, Alano. To love and be loved was my forgotten dream. Masyado lang sigurong napuno ng galit ang puso ko kaya after all these years, ngayon ko lang nagawang aminin ‘yon sa sarili ko.” Tumingala si Clarice sa kalangitan. Pinuno nito ng hangin ang mga baga bago ito payapang pumikit. “It feels good to admit things once in a while.” Natawa ang dalaga kasabay ng paghigit ng hininga ni Alano. He swore he had never seen such beauty.
“Sigurado akong hindi lang ako ang lalaking nagtangkang mapalapit sa `yo. Pero sa dami nila, mukhang ako lang ang binigyan mo ng chance. Bakit ako?”
“I told you, to love and be loved was my forgotten dream. Naalala ko lang ang tungkol sa pangarap kong ‘yon nang makilala kita. After all I’ve gone through; meeting you gave me a purpose.” Dumilat si Clarice at sinalubong ang mga mata niya. He felt like drowning by the depth of her eyes. God... She’s lovely.
“Binigyan mo ako ng rason para mag-isip at magplano para sa mga darating na araw. At sa `yo ko lang naramdaman iyon.” Alano failed to hide his smile. Si Clarice naman ang mukhang sandaling namangha. “I love your smile. And I love how your eyes shine when you do.” Ikinulong nito ang kanyang mga pisngi sa maiinit na mga palad nito. Admiration was all over her eyes. “Kapag ngumingiti ka, pakiramdam ko, kaya kong lokohin kahit sandali ang sarili ko at magpanggap na ang ganda ng mundo.”
“Pero maganda talaga ang mundo, Clarice. It wouldn’t allow us to meet if it wasn’t.”
Mapait na ngumiti ang dalaga. Lumayo ito sa kanya at mayamaya ay nag-iwas ng mga mata...
Nang mga sandaling iyon ay naging malinaw kay Alano ang lahat. Clarice was scared to believe in the good things because of what happened to her in the past. Hindi nito masyadong idinetalye kung ano ang eksaktong nangyari rito o sa pamilya nito, siguro ay dala iyon ng sakit na patuloy pa ring nararamdaman ng dalaga pero handa siyang maghintay hanggang sa isang araw ay makalaya na ito sa mga bagay na nagpapahirap dito. Tutulungan niya si Clarice. Dahil wala naman nang magagawa si Alano para sa nakaraan nito pero kung kaya lang niya hatakin ang oras pabalik sa nakaraan ng dalaga ay buong puso niyang gagawin para maprotektahan ito laban sa taong nagpahirap dito.
And if she could only tell him now who that person is, he is willing to do every thing in his power to give her justice. Sa nakalipas na mga araw, ang mga nalaman niya mula kay Clarice ay ang mga bagay na hindi alam ng maraming tao rito. Pangunahin na impormasyon lang ang nalaman niya tungkol sa dalaga nang minsang mag-research siya tungkol dito. Because even if Clarice was a public figure, she remained an enigma to the whole world. Ni wala siyang idea sa mga nangyari sa pamilya nito.
Ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan ni Alano bago kinatok sa kwarto nito si Clarice. Pagod na siyang mag-isip pa. Bukas ang ikahuling araw nila ng dalaga sa beach. At hindi niya maatim na bumalik sa realidad pagkalipas ng tatlong linggo nang hindi man lang naipapaalam dito ang totoong nararamdaman niya.
Ilang minuto ang lumipas bago bumukas ang pinto. Bumungad ang nakapantulog nang si Clarice.
“Alano, hi,” para bang pagod na pagod na pagbati ng dalaga. He wanted to know what she was thinking, what was keeping her awake, and the reason why she looked in pain. He wanted to be involved in her life. But at the same time, he didn’t want to pressure her. It might scare her away. Bumuntong-hininga siya.
“It’s late, Alano. I thought you’re already asleep—”
“May kailangan lang akong malaman,” putol ni Alano sa mga sasabihin pa sana ni Clarice. Marahang tumikhim siya. “The first time that I got to talk to you, there was already a man who was offering you the world. I assumed that he’s a very wealthy and capable man to say that. Heck, he’s probably a lot richer than I am. Pero bakit mo siya tinanggihan?”
Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya ang dalaga. “It’s almost twelve midnight, Alano. At pinuntahan mo ako rito para lang magtanong tungkol sa bagay na `yan?”
“I know. And I’m sorry.” Bumuntong-hininga uli si Alano. “Pero ang tagal ko sa labas at nag-isip lang. Napansin ko na bukas pa ang ilaw mo rito mula sa bintana kaya...” Nagkibit-balikat siya. “Here I am. Gusto ko lang malaman ang sagot mo. I’ve been dying to know your reason for weeks now.”
“Dahil sapat na sa ‘kin ang kung anong mga naipundar ko. At hindi ko na kailangang magpakasal pa sa ibang lalaki para lalong umunlad. I refused to be too rich.” Napahawak si Clarice sa noo. “The richest people always have this tendency to be greedy. Hindi sila makuntento. They always want more and that’s awful. Ayaw nilang mamahagi.”
“You are damn right about that.” Tumango-tango si Alano habang ipinoproseso sa isip ang sagot ni Clarice. “I actually feel awful right now and yeah, I feel greedy, too. Because despite what I have, I still want more. I want you. At ayaw kitang ibahagi sa iba. I didn’t know that I have this tendency until I met you.”
Nanlaki ang mga mata ni Clarice. “Alano—”
“I love you, Clarice.” There. Nasabi niya na rin. Pinagmasdan ni Alano ang pagrehistro ng pagkagulat sa mukha nito. Sa loob ng ilang sandali ay gumaan ang pakiramdam niya sa ginawang pag-amin. Hanggang maaari ay sinubukan niyang pigilan na muna ang nararamdaman para sa dalaga. Sinubukan niyang huwag na munang intindihin kung bakit hindi niya na magawang matahimik simula nang makita si Clarice sa Denver. At kung bakit lalong hindi siya mapakali nang makita na ang dalaga sa malapitan. Mawala lang ito sandali sa kanyang paningin ay nagwawala na ang kanyang puso.
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 1: Alano McClennan