Login via

The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan novel Chapter 12

“NO!” NAPASIGAW si Yalena nang puro ang mga nakahandusay na duguang lalaki ang sumalubong sa kanya pagpasok niya sa nakabukas na gate ng rest house ng mga McClennan. Dahil malayo sa karamihan ang rest house ay walang mga kapitbahay na makaririnig ng komosyon na nangyayari sa loob. Nakabulagta ang mga nakaitim na polo na mga lalaki, ang mga iyon ang mga gwardiya roon. May dalawa pang lalaking nakabulagta roon. Kahit hindi niya kilala ang mga iyon ay nasisiguro niyang ang mga kasamahan iyon ni Dennis.

Nagmamadaling pumasok siya sa loob. Nakabibingi ang katahimikang bumungad sa kanya. Mariing nakagat niya ang ibabang labi at pilit na pinatatag ang sarili. Iniwasan niyang alertuhin kaagad ang mga pulis dahil umaasa siyang hindi tuluyang sisirain nina Dennis ang buhay ng mga ito sa ngalan ng paghihiganti.

Umaasa si Yalena na kapag nalaman ng mga itong wala siyang tinawagang pulis ay hindi maaalarma ang tatlo at makakapag-usap pa sila kahit paano. Pero huli na. Huling-huli na.

Dennis, ano itong ginawa mo? Nakabangon ka na. Nagawa mong paunlarin ang sarili mo. Pero bakit ibinaon mo uli ang sarili mo? Nakaahon ka na sa putik pero muli kang bumalik doon.

Namataan niya si Alexandra sa tabi ni Benedict. Parehong nakabulagta ang mga ito. Una niyang nilapitan ang ginang at sinuri. Napaluha siya nang makita ang duguang anyo nito. Kinakabahang idinikit niya ang tainga sa dibdib nito. Sa ginawa ay dumikit ang dugo nito sa kanyang damit pero binalewala niya iyon. Bahagya siyang nakahinga nang maluwag nang mapag-alamang tumitibok pa ang puso nito.

Sumunod na nilapitan ni Yalena si Benedict. Iniangat niya ang duguang katawan nito. Labimpito. Labimpito ang balang tumama sa dibdib nito. Kasindami na iyon ng bilang ng mga taong namatay sa squatters’ area sa Valenzuela noon. Napahikbi si Yalena. Hindi na siya umaasang buhay pa ang matanda.

“I’m so sorry, Benedict.” Gumaralgal ang boses ni Yalena. “For the past years, I wanted you to die but I stopped thinking about that several months ago. Hindi ko ginustong mangyari ito sa `yo. I’m sorry. Hindi ko sila napigilan.” Nanlalamig ang mga palad na dinukot niya sa kanyang bag ang kanyang cell phone at idadayal na sana ang numero ni Clarice nang makarinig ng mga papalapit na yabag.

Pag-angat niya ng mukha ay sumalubong sa kanyang mga mata ang tulalang anyo ni Ansel. Nabitiwan niya ang cell phone nang mapatingin ang binata sa kanya. Umawang ang bibig nito lalo na nang mapatingin sa kanyang mga kamay at damit na may bahid na ng dugo nina Benedict.

“A-Ansel, I—” Nahinto sa pagsasalita si Yalena nang makita ang pagbabaga sa galit ng mga mata ng binata.

“What have you done, Yalena?” parang kidlat sa talim na sigaw ni Ansel. “I never thought you would stoop this low!”

“ANSEL, please. Ayusin na natin ito. Kausapin mo naman ako,” nakikiusap na sinabi ni Yalena nang maabutan niya si Ansel sa garahe ng mansiyon ng mga ito. Pinigilan niya ang binata sa braso nang pasakay na sana ito sa kotse nito. “Pakinggan mo naman ako.”

“I thought action speaks louder than words? Isn’t it obvious that I don’t want to talk to you anymore? Kailangan ko pa ba talagang sabihin bago mo maintindihan?”

Parang tinusok ng libong karayom ang puso ni Yalena sa mga narinig lalo na nang marahas na alisin ni Ansel ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. Nagliliyab sa galit ang mga matang tinitigan siya nito. Napalunok siya. Nanakit ang kanyang lalamunan sa kapipigil na huwag mapahagulgol sa harap ng binata lalo na nang muling manumbalik sa kanyang alaala ang mga binitiwan nitong salita sa Olongapo noong nakaraang linggo…

“A-Ansel, it wasn’t m-me,” natatarantang paliwanag ni Yalena. “I… I just…” Mariing nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya alam kung saan o paano magsisimulang magpaliwanag. “Please let’s just call the ambulance and the police first. Your mother is still alive—”

“How could you?” Parang walang narinig na nilapitan ni Ansel si Yalena. Inilayo nito sa kanya ang ama nito at mayamaya ay parang torong muli siyang nilapitan at hinawakan sa mga balikat.

Natakot siya. Kitang-kita niya ang matinding pagpipigil sa mukha ng binata para huwag siyang tuluyang saktan pero bahagya pa rin siyang pinangapusan ng hininga.

“Nasaan? Nasaan ang mga kasamahan mo?” nagtatagis ang mga bagang na sigaw ni Ansel.

Napaluha si Yalena. “Ansel,” kahit hirap sa pagsasalita ay sinabi niya. “It really wasn’t me. Hindi ako kasama sa mga—”

Malakas na napamura ang binata kasabay ng pagtulak kay Yalena. “For crying out loud, stop with those crocodile tears, Yalena!”

Kung hindi pa dumating si Alano na tinawagan pala ni Ansel habang papunta sa Olongapo ay hindi pa matitigil sa pagwawala si Ansel. Halos magkasunod lang na dumating ang magkapatid. Si Alano ang siyang nag-asikaso ng lahat. Ito ang tumawag ng pulis at ambulansiya. Ang buong akala daw ng magkapatid ay mayroon nang rumespondeng mga pulis sa rest house para mag-imbestiga pero nagkamali ang mga ito dahil patay ang lahat ng mga gwardiya sa rest house pati na si Dennis. Patay rin ang labing-isa pang mga kasabwat nito pero buhay si Jerome kahit may tama ito ng bala sa likod at balikat. Nasa ospital pa rin ito. Sa kasalukuyan ay mayroong nagbabantay na pulis dito para pagkagaling ay sa kulungan kaagad dederetso.

Si Alexandra naman ay nasa ospital din pero hindi pa nagkakamalay. Nilipat ito nina Ansel at Alano sa ospital sa Maynila. Sa Maynila na rin inilibing si Benedict pati na ang mga gwardiyang kasama nitong namatay na taga-Maynila rin pala.

Siguro kung hindi pa napigilan si Ansel ng mga kapatid ay kasama na rin si Yalena sa ipinakulong nito dahil matigas ang paniniwala nito na kasabwat pa rin siya nina Dennis lalo na at may mga katibayan ang binata na nagpapatunay niyon: ang USB na ipinadala ng nasisiguro niyang si Dennis kay Ansel, kasama ng mga litrato at ilang impormasyon.

Chapter 12 1

Chapter 12 2

Chapter 12 3

Comments

The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan