“I DON’T know about yours but my time is really important, Mr. McClennan,” pormal na sinabi ni Yalena nang ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa rin pinapaandar ni Ansel ang kotse nito sa halip ay nanatili lang na nakatitig sa kanya na parang sinasaulo ang bawat anggulo ng kanyang mukha.
Nang hindi na matagalan ni Yalena ang pagtitig ng binata ay ibinaling niya sa bintana sa gawi niya ang kanyang mukha. Kahit nakasuot siya ng dark glasses, pakiramdam niya ay nanunuot pa rin sa kanyang sistema ang mga titig ng binata na para bang pilit na binabasa ang pagkatao niya. Napapagod na naisandal niya ang likod sa upuan. Hindi niya inaasahang si Ansel kaagad ang bubungad sa kanya kanina. Mabuti na lang at kahit paano ay mabilis din siyang nakabawi pero hindi niya sigurado kung hanggang kailan makakayanan ang presence nito.
Malaki at malawak ang receiving area ng McClennan Corporation. Pero parang sumikip at lumiit iyon sa pagdating ni Ansel lalo na sa mga sandaling iyon na nasa loob sila ng sports car nito at silang dalawa lang ang tao roon. Everything about the man beside her caused her pain… from his face down to his surname. Carbon copy ni Benedict si Ansel.
Sa tatlong anak ng matandang lalaki ay si Ansel ang pinakakamukha nito. Ang kulay lang ng buhok ng binata ang nakuha nito sa inang si Alexandra, itim na itim iyon at hanggang balikat nito. Pero ang mga mata, ang mga kilay, ang ilong, ang mga labi, ang kulay pati na ang taas ay katulad na katulad ng sa ama nito. Iyon ang dahilan kung bakit sinadya ni Yalena na magpahuli sa kanilang misyon nina Clarice at Maggy.
Kung tutuusin sa simula pa lang ay nandaraya na si Yalena kaya siguro iyon ang sinapit niya. Nakarma siya at ngayon ay naiwang nag-iisa sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang mga magulang. Sinadya niyang tumanggap ng panibagong kaso noon kaysa ang mauna sa pagbabalik sa Pilipinas para harapin ang mga anak ni Benedict. Pinili niya ang litrato noon ni Ansel dahil sa dalawang dahilan. Una ay para mas maging katanggap-tanggap para kina Maggy at Clarice ang misyon ng mga ito dahil hindi gaanong nahahawig sina Alano at Austin kay Benedict. Pangalawa ay dahil nakasisiguro siya na kaya niyang makahanap ng paraan na magtagumpay sa sariling misyon ng hindi na kinakailangang akitin pa ang panganay na anak ni Benedict. Kampante siya na makagagawa ng paraan kung magagawa ring magtagumpay nina Maggy at Clarice sa misyon ng mga ito.
Abogada siya. Tiwala si Yalena na kung makahahanap lang sina Maggy at Clarice ng sapat na mga ebidensiya mula sa kanilang target ay makahahanap din siya ng paraan para magsampa ng kaso. Determinado siyang kalampagin ang langit at lupa para lang mapaamin si Benedict sa mga kasalanan nito, para sa wakas ay pagbayaran na ang mga ginawa nito.
Pero hindi nakapaghanda si Yalena sa mga sunod-sunod na nangyari. Una ay ang natuklasang sakit ni Benedict. Pangalawa ay ang namuong pag-ibig nina Maggy at Clarice para sa mga anak ni Benedict. And now, there she was, alone and helpless in a car with her enemy’s exact look-alike.
Alam ni Yalena na kung gugustuhin niya lang ay makaiisip pa siya ng ibang paraan huwag lang makarating sa building na iyon, huwag lang mapunta sa sitwasyong kinasusuungan nang mga sandaling iyon na kasama si Ansel. Pero anumang hakbang na gawin niya ay manganganib pa rin ang kanyang buhay.
Ayaw niyang isugal nang husto ang kanyang buhay. Ayaw niyang matulad sa mga nangyari sa kanyang mga magulang. Ayaw niyang iwanang nag-iisa si Maggy sa teritoryo ng kanilang mga kaaway at higit sa lahat ay hindi pa siya nakahandang mamatay lalo pa at marami pa siyang kailangang gawin. It was like choosing between the devil and the deep blue sea. And she chose the latter. She jumped into the unknown.
“Magkaliwanagan nga tayo, Attorney. Unang-una, hindi ako basta driver lang dito. In short, I am not your slave here. Ako ang isa sa mga may-ari ng kompanyang pinuntahan mo. Bukod pa roon ay isa rin ako sa mga kapatid ng asawa ng kakambal mo—”
“So, what are you trying to imply—”
“I am not yet done talking.” Bahagyang dumiin ang boses ni Ansel. “Let me finish first.”
Biglang natahimik si Yalena. Dahan-dahang bumalik ang tingin niya kay Ansel. She hated herself when she suddenly felt jumpy. Pakiramdam niya ay may bahagi sa kanya ang nakalampag ng binata. Kumabog ang kanyang dibdib nang bahagyang ilapit nito ang sarili sa kanya.
“I was just being a true-blue gentleman when I offered to take you to your sister. Ngayon lang ako nag-alok nang ganito sa isang kalahi ni Eba pero sumusobra ka na. Sa loob lang ng ilang minuto, ilang beses mo akong binara, pinahiya mo rin ako sa harap ng staff ko at higit sa lahat, kanina pa ako inaamag sa paghihintay ng simpleng pasasalamat mula sa `yo sa pagbibigay ko ng ganitong pabor pero ni hindi mo man lang ginagawa. Is it too much of a burden for you to say ‘thank you’?”
“All right.” Marahas na napabuga ng hininga si Yalena. “Iyon lang pala ang problema. Hindi mo naman sinabi agad,” sarcastic na sagot niya. “Thank you very much, Mr. McClennan. I am truly honored to receive this kind of favor from you.”
Sarkastiko ring ngumiti ang binata. “Very well said. You are most welcome, Attorney.”
Napaatras si Yalena nang muli ay ilapit ng binata ang mukha sa kanya.
Ngumisi si Ansel. “Whether you admit it or not, Attorney, you need me.” Inalis nito ang sun glasses niya. Mayamaya ay hinawakan ang kanyang baba at iniangat ang kanyang mukha paharap dito. “Allow me to properly introduce myself. I am Ansel McClennan, Austin’s older brother,” anito bago mabilis na sinakop ang kanyang mga labi.
Natulala si Yalena. It was a slow and sweet kiss as if Ansel was just aiming to taste her lips. Pero hindi na niyon pinatigil sa mabilis na pagtibok ang kanyang puso. Ilang segundo lang ang itinagal niyon pagkatapos ay bahagyang lumayo na sa kanya ang binata.
“I was about to offer a hand shake again but I was afraid that you’d reject me again. That’s why I offered a kiss instead.” Pilyong ngumiti si Ansel at mabilis na isinuot sa kanya ang seat belt bago ito bumalik sa pwesto. Isinuot nito ang sariling seat belt at nagsimula nang imaniobra ang kotse. Pero ilang sandali pa lang ang nakalilipas nang lingunin siya ng binata. “It was nice to finally meet you, Attorney Yalena de Lara. And oh, I love your lips. They are the sweetest I’ve ever kissed. And they taste exactly as they look…” Bumaba ang mga mata nito sa kanyang mga labi. Hindi nakaligtas sa kanya ang paggalaw ng Adam’s apple nito. “Tempting.”
Hindi na nakapagsalita pa si Yalena. Muli niyang ipinaling ang ulo sa labas ng bintana. Iyon ang kanyang unang halik. At ngayon ay sobra ang naging pagsisisi niya.
She should have just dealt with the devil than swam in the deep, blue sea. Damn, damn, damn!
“MAGGY!” Agad na pumaloob si Yalena sa nakabukas na mga braso ng kakambal nang makarating siya sa kwarto nito at ni Austin. Naabutan niya itong para bang hinang-hina habang nakasandal sa kama. Mabilis na tumayo si Austin na katabi ng kanyang kakambal nang makita siya. Binati siya nito pero hindi niya ito pinansin. Hindi niya alam kung darating pa ang araw na magagawa niyang tanggapin ang lalaki sa ngalan ni Maggy.
Matagumpay na nailigaw ni Ansel ang itim na sasakyan na sumusunod sa kanila. Habang nasa daan sila ay ilang ulit na pilit na nagbukas ng usapan ang binata pero isa man sa mga sinabi nito ay hindi niya sinagot. Pero naalarma siya nang mabanggit nitong kaya hindi nakapasok si Austin nang araw na iyon ay dahil masama ang pakiramdam ni Maggy.
Bahagya siyang lumayo mula sa kakambal at pinakatitigan ito. Hinaplos niya ang mga pisngi nito. Namumutla ito. “How have you been? Masama daw ang pakiramdam mo?”
Nasorpresa siya nang makita ang pangingilid ng mga luha ng kakambal.
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan