NAMASA ang mga mata ni Yalena. Umangat ang kanyang mga kamay pahaplos sa mga pisngi ni Ansel. Pinagmasdan niya ang mukha nito. This man could be hers for the taking. Dahan-dahang ipinikit niya ang mga mata nito. Iyon ang isa pang madalas niyang gawin. Tuwing kasama niya ang binata, parati niyang isinasara ang mga mata nito. Dahil napakaraming masasakit na mga alaala ang pumapasok sa kanyang isipan tuwing sinasalubong niya ang mga mata nito dahil ganoong-ganoon din ang mga mata noon ni Benedict.
Punong-puno rin iyon ng sinseridad noon pero sa dulo ay nagawa pa ring manlinlang ng mga matang iyon. Tuwing tinitingnan ni Yalena ang binata, ang kanyang mga magulang na ni hindi niya makilala noong nasa kabaong pa ang mga ito ang siyang mga naaalala niya. Her parents died a tragic death. Walang kalaban-laban ang mga ito pero basta na lang kinuha sa kanila ng kakambal niya.
Sa isang iglap, nawalan siya ng sandalan.
Ang kayamanan, balewala iyon sa kanya. Pero ang dalawang buhay na nalagas sa kanya ang pilit na ipinaglalaban niya, ang pilit na hinahanapan niya ng katarungan. Iyon ang hindi niya dapat na balewalain.
“I do love you, Attorney.”
And I do, too, agad na sagot ng puso ni Yalena. Napasinghap siya sa pagbuhos ng realization na iyon. Lumuwag ang pagkakatakip niya sa mga mata ng binata hanggang sa tuluyang dumulas ang kanyang palad pababa.
Oh, God. Napahawak siya sa kanyang bibig kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha. Nanlalambot ang mga tuhod na inalis niya ang kamay ng binata sa kanyang mga balikat. Sumalampak siya sa konkretong kalsada. Tuluyan nang lumubog ang araw nang mga sandaling iyon. May mangilan-ngilang mga nagdaraan pero binalewala niya iyon.
Nagtanim si Yalena ng sama ng loob kina Maggy at Clarice nang malaman niya ang nararamdaman ng mga ito para sa magkapatid na McClennan. Dahil nangangahulugan iyon ng pagkatalo nila sa kanilang misyon. Ni hindi niya masikmura ang katotohanan na father-in-law na ngayon nina Maggy at Clarice ang lalaking dahilan ng mga trahedya sa buhay nila noon. Pero ano itong ginagawa niya ngayon? Bakit parang napakadali lang para sa mga anak ng kanilang kaaway na pasukuin sila? Sila itong kung tutuusin ay may mga ipinaglalaban. It was so unfair. They had been hurting their whole lives!
Matapos ng mga nangyari sa kanyang mga magulang, ang buong akala niya ay iyon na ang pinakamatinding trahedyang dumating sa kanyang buhay. Pero nagkamali siya. Because the day that she realized that she had fallen in love with Ansel McClennan, with the enemy, was the most tragic day of her life.
“Yalena…”
Napayuko siya nang marinig ang nag-aalalang boses na iyon. Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Ansel. Lumuhod ito sa kanyang harap at maingat na iniangat ang kanyang baba dahilan para magsalubong ang kanilang mga mata.
“Why? Why are you crying? Ano’ng nangyari?”
Muling pumatak ang mga luha ni Yalena sa pagsuyong narinig sa boses ni Ansel. Looking at his eyes made her remember once more the good memories of her childhood together with the bad. Muli ay nakita niya ang kanyang batang sarili na itinatago pa sa ilalim ng kanyang unan ang litrato ni Ansel sa pag-aakalang totoo ang kasabihan ng matatanda na mapapanaginipan niya ang sinumang nasa larawan sa oras na gawin niya iyon.
Napahagulgol siya. God… she had been in love with Ansel from the very moment that she saw his picture. Iyon siguro ang dahilan ng kakaibang reaksiyon ng puso niya para sa binata mula pa noon hanggang sa mga oras na iyon. She had always loved him… long before she knew the meaning of revenge.
“What’s wrong?” Nagmadali si Ansel sa pagpunas ng kanyang mga luha.
“Nothing,” basag ang boses na sagot ni Yalena. “It’s just that…” Napahawak siya sa mga binting nanatili pa ring walang lakas dala ng mga natuklasan niya. “My knees are hurting so badly,” pagdadahilan niya na lang.
“What?” Natatarantang hinawakan ng binata ang kanyang mga tuhod. “Can you stand for a while?” Nang tumango siya ay mabilis na tumalikod sa kanya si Ansel. Sumampa siya sa likod nito nang maunawaan ang gusto nitong iparating. Umalalay ang isang braso ng binata sa kanyang mga hita habang hawak naman nito sa kabilang kamay ang kanilang mga pinamili.
Agad na isinubsob ni Yalena ang mukha sa likod ng binata nang magsimula na itong maglakad.
“Bakit hindi mo naman sinabi kaagad na may iniinda ka pala? You seemed so fine earlier. Gusto mo bang ipatingin natin ang mga tuhod mo sa doktor?”
“Hindi na kailangan.” Sana nga ang mga tuhod ko lang ang problema. “Magpapahinga na lang ako kaagad pagkarating sa bahay.” Humigpit ang pagkakayakap niya sa leeg ng binata nang marinig ang pinaghalong pagsuyo at pag-aalala sa boses nito.
Nang makarating na sila sa kanyang bahay ay dumeretso si Ansel sa kanyang kwarto at sa kama na siya maingat na ibinaba. Kinumutan siya nito hanggang sa kanyang leeg. Naupo ito sa dulo ng kama at iinspeksiyunin sana ang kanyang mga tuhod nang iiwas niya iyon. Mabilis na nag-iba siya ng higa, patalikod sa binata. “Please just leave. I want to be alone.”
Narinig ni Yalena ang paghugot ng binata nang ilang malalalim na hininga. Mayamaya ay hinalikan siya nito sa kanyang noo. “Just in case you need me, I’m just at the kitchen. Magluluto na muna ako.”
Tumango lang siya. Nang marinig ang mga papalayong yabag ng binata at ang mahinang pagsara ng pinto ng kanyang kwarto ay muli siyang napaluha.
“Bakit mo ginawa `yon?” parang nababaliw na pagkausap niya sa sarili. Tinapik-tapik niya ang kanyang dibdib. “Ang tanga-tanga mo. Hindi ka dapat nakialam. You shouldn’t have fallen for him! What will happen to our plans now?” Pumiyok ang kanyang boses. “Dapat galit ka lang, `di ba?”
Comments
The readers' comments on the novel: The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan