Login via

The Trouble With Good Beginnings novel Chapter 15

WALA bang awa ang Diyos? Iyong nag-iisang tao na ipinagdarasal ni Holly na huwag niyang makita, hayun at nasa harapan niya muli. Pakiramdam niya ay gusto ng pumutok ng puso niya, puso niyang sa kabila ng lahat ay hayun at kay lakas pa rin ng pagpintig nang muling masilayan si Aleron. Mariing diniinan niya ang gilid ng mga mata, umaasang mapipigil niyon ang pagluha.

“Alam ko na ang totoo. I know what you went through-“

Mabilis na napailing si Holly. “No, Aleron. You don’t know half of what I’ve been through.”

Bumakas ang matinding pagsisisi sa anyo ng binata. Inignora niya ang nakikitang pasa sa ilalim ng kaliwang mata nito pati na ang mistulang pumutok na gilid ng mga labi nito.

“Totoong minahal kita. At hanggang ngayon, mahal pa rin kita, Holly. Even before I found out the truth, I was about to come back for you. Tama ka. Maybe if Athan is still alive, he would deserve someone like you more than I do. Kasi matapang siya. Ilang ulit siyang sumugal para sa pagmamahal sa inakala niyang ikaw. But Holly, you knew my story. Nakausap ko si Cedrick kahapon nang puntahan kita sa inyo. Ang sabi niya, alam mo na daw ang lahat. Alam mo rin ang mga pinagdaanan ko. How can I not be scared?”

Nangilid ang mga luha ni Aleron. “I don’t have anyone else in this world anymore. I only have myself. I only have this heart, this stupid thing inside me.” Itinuro pa nito ang dibdib. “And if I lose this, I don’t think I can ever live again.”

Humakbang palapit kay Holly si Aleron. Itinukod nito ang isang tuhod sa lupa. Inabot nito ang palad niya. “Aminado akong ang gumanti lang ang dahilan kaya ako pumasok sa buhay mo. It was foolish. Desperado akong makahanap ng mapagbabalingan sa kawalan ko. All I did was to plan to get you. Because mourning makes me feel all the more invalid, all the more empty. And Athan’s diary helped me execute my plan. Nakasulat doon ang lahat ng tungkol sa ‘yo. At hindi ako naghinalang magkaibang tao ang nakasama ko sa nakasulat sa diary. Because Athan was able to describe you perfectly except from the way you eat.” Bahagyang napangiti si Aleron pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.

“The way you dress, the way you talk and even the way you move while you were with me were all written in the diary. Pero minahal kita sa kabila ng warning signs sa utak ko. Kinalimutan ko ang paghihiganti, Holly. Sinubukan ko rin namang sumugal sa sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama kita. I even planned to tell you the truth about me. But the night before our wedding, I saw you kissing someone else. Ganoong-ganoon ang nakalagay sa diary ni Athan na paraan ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Hailey.”

Natawa si Aleron pero walang kasing pait iyon sa pandinig ni Holly. “Sa garden din sa townhouse na ‘yon nangyari. Pakiramdam ko, inulit mo lang sa akin ang ginawa mo kay Athan. The painful memories brought by my mother also came into me. Akala ko pinaglalaruan mo lang ako. That’s why I pushed through with the plan.”

Ilang sandaling napamaang si Holly. Napaawang ang bibig niya kasabay ng muling paglandas ng mga luha niya. Cedrick! Ang pangalang iyon ng kababata ang paulit-ulit na isinisigaw ng isip niya. Ni hindi niya na nagawang makapagsalita. Napahagulgol siya sa sobrang sama ng loob.

“Holly, I’m really sorry.”

Humigpit ang pagkakahawak ni Aleron sa kanyang palad. Napatitig siya roon. Wala ang dating masarap na pakiramdam na dulot niyon. Bumitiw siya mula sa pagkakahawak nito. Nang kahit paano ay kaya niya nang kontrolin ang emosyon ay dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palayo. Kung kaya niya lang sanang tumakbo ay ginawa niya na. Ayon sa doktor ay posible raw abutin ng taon bago bumalik ang dating lakas ng kanyang binti. Ang puso niya kaya, gaano katagal ang aabutin bago bumalik sa dati?

Sa malas ay hindi niya pa kasama ang driver niya. Sabado ng araw na iyon at day-off nito pero bago ito umalis ng mansyon para bisitahin ang sariling pamilya nito ay siniguro na muna nitong hindi niya kakailanganin ang serbisyo nito. Iyon din ang akala ni Holly. Pero hindi niya rin napigilan ang umalis dahil totoo pala talagang nakakabingi ang sobrang katahimikan lalo na para sa mga taong may pinagdaraanan.

Kahit ang mga kasambahay ay para bang ingat na ingat na hindi makalikha ng anumang ingay. Sa kabila ng naging pagpipigil ng mga ito sa kanya ay umalis pa rin siya at ginamit ang sariling kotse. Kahit bahagyang nananakit ang binti ay nakayanan niya naman iyong imaneho kahit paano. Pero sa estado ng emosyon niya ngayon, hindi niya na alam kung makakaya niya pa rin.

Nahinto si Holly sa paglalakad nang bigla na lang siyang pigilan ni Aleron sa braso.

“Holly,” Narinig niyang naghihirap na wika ng binata. “Hayaan mo akong makabawi sa ’yo. Magsimula tayo muli. This time, let’s make things right, I beg you. Hindi ko na kayang mawala ka pa. Araw-araw, simula nang kalimutan ko ang paghihiganti ko noon, gumigising ako sa umaga para makita ang ngiti mo, para marinig ang pagtawa mo, para mahalin ka. Kaya nang umalis ako palayo, para na rin akong namatay. Holly, I don’t wanna die again.”

Nagsisikip ang dibdib na napaharap siya kay Aleron. Bakit ganoon? Dapat okay na sila, dapat nahanap niya na sa puso niya ang pagpapatawad para sa binata pero hindi. Nasagot na nito ang lahat ng naipong tanong sa isip niya noon kaya dapat matahimik na siya. Kung tutuusin ay solido ang mga rason nito. Bukod pa roon ay totoong minahal pala siya nito at hindi niya maitatangging may nararamdaman pa rin siya para rito. Pero matapos niyang marinig ang mga paliwanag ni Aleron, nanatili ang sakit sa puso niya, parang dumoble pa nga dahil sa kawalan ng katarungan sa mga nangyari.

Bukod pa roon ay umusbong ang takot sa puso ni Holly, takot na muli pang sumubok. The thought that their wedding could have taken place if only Cedrick didn’t show up at her doorstep that fateful night was shattering her even more. Dalawang beses na siyang nagmahal at buong-buo siyang sumugal. Pero bakit pakiramdam niya ay hindi naging buong-buo ang pagsugal ng mga lalaking minahal niya, ng mga lalaking ipinangangalandakang mahal siya?

Kung totoong mahal siya ni Cedrick noon, sana ay sumugal itong ipagtapat pa rin sa kanya ang totoo noong araw na nahuli niya itong kahalikan ni Hailey, sana ay hindi ito nagpadala sa pamba-black mail ng kakambal niya. Sana ay hinayaan nitong siya ang humusga ng katotohanan sa mga nangyari. Pero hindi. Dahil hinayaan nitong humarang si Hailey sa gitna nila. Cedrick’s reasons sounded valid as well. Pero hindi pa rin maiaalis ang katotohanang natakot ito noon, ganoon din si Aleron. Nagpadala rin ito sa takot nito, takot na masaktan. Pero bakit siya, sa kabila ng babala nitong huwag tumuloy sa simbahan ay pumunta at naghintay pa rin siya?

Tiniis niya ang lahat sa ngalan ng pagmamahal. Nakikita niyang tunay na nasasaktan si Aleron pero hindi magawang matunaw ng puso niya nang mga sandaling iyon.

“Sana gaya ng dati ay matapang pa rin ako. Sana hindi mo ako sinaktan noon… para kaya ko sanang sumugal uli sa ’yo ngayon. Ni hindi ko alam kung paano pa bubuuin ang sarili ko pagkatapos ng ginawa mo.”

“Then, let me pick up the broken pieces.”

Malungkot na napailing si Holly. Pinagmasdan niya si Aleron. Hindi maikakaila ang bahagyang pagkahulog ng katawan nito. “You can’t. Because you are broken yourself.” Napamaang ang binata. Inalis niya ang kamay nito sa kanyang braso at muling naglakad palayo.

Nang makasakay na ng kotse ay pilit na pinaandar niya pa rin iyon. She was even grateful for the pain in her knee because it somehow distracted her from the pain in her heart. Ngayon niya na-realized na masyado pala siyang naging isip-bata sa paghahangad ng sariling masayang kwento. Ibang-iba pala talaga ang mga akdang ginagawa ng mga tulad niya kumpara sa totoong buhay. In stories, as writers, they can make things possible that most people would regard impossible in real life. Para silang genies. Wala bang time? Bigyan ng time. Takot ba sa pag-ibig? Alisin ang takot.

Ngayon ay alam na ni Holly na iyon ang pagkakaiba ng totoong buhay sa mga kwento lang. In stories, things can be possible. Kapag nasaktan masyado ang mga karakter roon ng mga taong minamahal nila, if the writers still want their characters to end up together, they will be together. Pero hindi ganoon kasimple sa totoong buhay. In real life, if the pain is too much, if the heart has been too hurt, sometimes, it can’t just forgive. It can’t just forget.

“MA’AM, may problema po ba?”

Chapter 15 1

Comments

The readers' comments on the novel: The Trouble With Good Beginnings