Kung hindi tumunog ang alarm clock sa sumunod na umaga, hindi sana magigising si Madeline.
Namula ang mukha niya nang maalala niya kung ano ang sinabi at ginawa niya kay Jeremy habang lasing siya.
Pagbalik ng opisina, wala sa isip na nagtatrabaho si Madeline sa kanyang mga disenyo. Hindi niya ma-i-alis sa kanyang isip ang anino ni Jeremy.
Labindalawang taon na. Imposible namang mapapakawalan niya ang ganitong klase ng pagmamahal balang araw.
Hinawakan niya ang kanyang tiyan nang hindi namamalayan. Kung posible, gusto niyang bigyan ng perpektong pamilya ang bata.
“Ding!”
Biglaan, isang notification ang tumunog sa kanyang cellphone na siyang nagbalik sa kanya sa realidad.
Tinignan niya ito at nakita niya ang isang mensahe. Galing ito kay Jeremy!
Nagsimulang tumibok ang puso ni Madeline nang walang tigil. Lalo pa itong nanginig nang buksan niya ang mensahe.
Ang unang nakita ay isang larawan. Isa itong larawan ni Madeline at Meredith. Kuha ang litratong ito nang ampunin siya ng Crawford.
Sa larawang ito, nakasuot si Meredith ng isang mamahaling damit. Tila ba nagliliwanag ito na parang isang prinsesa. Napaka-elegante nito at espesyal. Sa kabilang banda, nakasuot naman si Madeline ng isang mapusyaw na damit. Napakapangit niyang tingnan at tila ba galing siya sa isang madilim na kalye.
Sa ilalim ng larawan ay ang mensahe ni Jeremy. Nang makita niya ang laman nito, bumagsak ang temperature ng mga daliri niya.
‘Madeline, tignan mo naman si Meredith at ang sarili mo. Paano namang ang madumi at mababang babae na gaya mo ay maaabot ang kwalipikasyon ng pagiging asawa ko?’
Sumaksak ang mga salitang ito na para bang kutsilyong gawa sa yelo. Nakakasakit sa puso at hindi maganda sa mata.
Naalala na naman niya ang nangyari labindalawang taon ang nakararaan. Hindi niya na kaya ang kalupitan at galit ni Jeremy para sa kanya ngayon.
‘Jeremy, sinabi mo dati na ako ang pinakamabait at pinakamagandang babaeng nakilala mo. Sinabi mong papakasalan mo ako para makasama ako habambuhay. Ano na bang nangyayari ngayon?’
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman