Hindi maganda ang pakiramdam ni Madeline tila ba hinihiwa ang puso niya ng ilang libong kutsilyo. “Jeremy, nagsasabi ako ng totoo!”
“Para sa akin, wala nang mas mahalaga kaysa sa nararamdaman ni Meredith. Ano bang basura ang pinagsasabi mo?”
Hindi makapaniwala si Madeline sa sinabi nito. Dire-diretso itong sumaksak sa puso niya na bang isang matulis na sandata.
Sa kanya, hindi mahalaga ang katotohanan. Ang mahalaga sa kanya ay si Meredith at wala na siyang paki sa iba.
Lumubog ang puso niya na para bang isang bato. Tila ba nawala ang lahat ng kanyang pag-asa sa lalaking ito.
Ngumiti si Madeline nang malungkot at sinabing, “Sige, hihingi ako ng tawad.”
Tiniis niya ang sakit ng kanyang katawan at agad na yumuko upang humingi ng tawad kay Meredith.
Nakita niyang suminghal si Meredith. May matagumpay na ngiti ang nakadikit sa mukha nito.
Hindi niya talaga akalaing walang paki si Jeremy sa katotohanan para lang kay Meredith. Ang tanging dahilan ay ang pagmamahal niya rito. Masyado niyang mahal si Meredith.
Sa mga sumunod na araw, hindi na naman nakita ni Madeline si Jeremy.
Gusto niyang maghanap ng trabaho para sumigla naman siya; ayaw niyang sirain ang sarili niya dahil hindi na siya mahal ni Jeremy.
Nag-aral si Madeline ng jewelry design at grumaduate rin naman siya ng may karangalan. Kaya, nagpadala siya ng isang resume online, at makalipas ang ilang sandal, dalawang kompanya ang agad na inimbitahan siya para sa isang interview. Matapos pagkumparahin ang dalawa, pinili niya ang mas malapit sa bahay nila.
Akala niya magagamit niya ang kanyang trabaho para hindi maabala, subalit naiisip niya pa rin si Jeremy.
Kahit malaki ang galit nito at pagkaaway sa kanya.
Malamig nang bahagya ang mga gabi sa taglagas, kaya maagang umaalis ang mga empleyado pauwi. Sa kabilang banda, nanatili naman si Madeline sa opisina nang mag-isa para tapusin ang kanyang trabaho.
Kahit naman umuwi siya, mag-isa pa rin siya. Kaya, dito na lang muna siya para magtrabaho.
Halos 10:00 na ng gabi at nagugutom na si Madeline.
Hinawakan niya ang kanyang tiyan at naalala niyang may dala-dala na siyang bata. Sa isang bigla, nakaramdam siya ng saya.
Nang paalis na siya, biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Napatalon ang puso ni Madeline, at saka niya kinuha ang cellphone nang nagmamadali.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman