Kumuha ng maraming atensyon ang mga pambibintang ng babae. Ganoon pa man, sinubukan ni Madeline na maging kalmado. “Madam, kayo po ang nakabangga sa akin ngayon lang. At, hindi rin po ako kasambahay ng Whitman.”
Nagulantang ang babae. Saka tinignan ang suot ni Madeline. Isang ngiti ng panghahamak ang makikita sa elegante nitong mukha. “Hindi ka mukhang kasambahay. Para kang isang pulubi sa tabi-tabi.”
Ganoon din, may mga tawa ang maririnig sa isang gilid. Subalit, ayaw nang makipagtalo ni Madeline. Nang paalis na siya, nakita niyang naglalakad si Meredith.
Maganda ang suot nito at may makeup. Nang makita niya si Madeline, gulat na gulat ang mukha niya. “Ikaw pala iyan, Maddie.”
Nang marinig ng babae ang sinabi ni Meredith, tinignan niya ito ng may galit. “Mrs. Whitman, kilala mo ang pulubing ito?”
Nagulantang si Madeline. Inakala ng babaeng ito na si Meredith ang asawa ni Jeremy. Subalit, hindi naman ito itatama ni Meredith. Sa kabilang banda, binigyan niya pa ito ng isang ngiti.
“Mrs. Langford, pakiusap hayaan mo na lang ang pangyayaring ito.”
“Dahil sinabi ito ni Mrs. Whitman, hahayaan ko na.” Tinignan ng babae si Madeline nang may inis. “Tumingin ka sa dinadaanan mo sa susunod!”
Sasabihin na sana ni Madeline kung sino siya, pero pinigilan siya ni Meredith at hinawakan nito ang kanyang braso sabay ngumiti. “Maddie, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?”
Tinignan ni Madeline ang mapagpanggap nitong mukha at nandiri. Ganoon pa man, nang papaalis na siya, may sumunggab na naman ng braso niya.
“Huwag ka munang umalis!” Galit na Mrs. Langford ang nakita niya. “Kaya pala binangga mo ako kanina. Gusto mong nakawin ang bracelet ko!”
Nakapagtataka naman. Isa itong malaking kalokohan para kay Madeline. Sa kabilang banda, agad na tumakbo si Meredith para magpaliwanag, “Mrs. Langford, isang pagkakamali ito. Minsan nang nagnakaw si Maddie dati pero nagbago na siya.”
Tila ba hindi ito pagtatanggol. Sa halip, isang ebidensya na magnanakaw si Madeline.
Lalo pang dumami ang pagbibintang. Nag-aalala na si Madeline, kaya nagpaliwanag na siya, “Wala akong ninanakaw na kahit ano!”
Lalo pang dumadami ang mga bisitang pumapalibot sa kanila. Sa pagkakataong ito, nagpakita na talaga ng dismaya si Meredith. “Maddie, alam ko na simula noong bata ka pa, wala ka pang nagagawang maganda. Kaya nga sanay kang magnakaw eh. Pero bakit mo naman ito ginawa sa ganitong pagkakataon?”
“Hindi ko ginawa!”
Nagpaliwanag uli si Madeline, pero walang naniwala sa kanya.
Bigla niyang naalala na sinubukan siyang lapitan ni Meredith kanina at napagtanto na rin niya ang nangyayari.
Si Meredith ang naglagay ng bracelet sa bulsa niya!
Sa parehong pagkakataon, tinawag ng babae ang mga pulis. Matapos ang ilang sandal, dumating na ang mga ito. Dadalhin na nila si Madeline sa istasyon ng pulis.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman