Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 14

Tatangayin na sana si Madeline papunta sa istasyon ng pulis. Sa pagkakataong ito, isang eleganteng babae ang naglakad papunta kay Mrs. Langford at bumulong.

Agad-agad na nagbago ang mukha ni Mrs. Langford. Tinignan niya si Madeline nang hindi makapaniwala at saka sinabing hindi lamang sila nagkaunawaan.

Hindi alam ni Madeline kung ano ang nangyayari. Nang tignan niya ang mukha ng babae, nakita niyang puno ito ng pandidiri sa kanya.

Hindi mapalagay si Madeline sa tingin nito. Sa pagkakataong iyon, lumapit si Meredith.

“Maddie, iyan ang nanay ni Jeremy. Ayos na ang lahat. Hindi mo na kailangang pumunta sa istasyon, pero kailangan mong mangako na hindi na uulit gagawa ng ganitong eksena.”

Sambit ni Meredith sa isang nag-aalalang tono. Sinubukang magpaliwanag ni Madeline pero nakaalis na ang mama ni Jeremy habang puno ng dismaya sa kanya.

Napasinghal si Meredith. Sumunod siya rito at nanatili sa tabi niya. Tila ba masayang-masaya silang magkasama.

May mga tawa na namang naririnig si Madeline sa gilid, at may mga bulungan rin.

Si Mrs. Whitman ay isang pobreng babae na nadamay pa sa isang nakawan! Isang malaking biro.

Nakaramdam ng lungkot at kawalan ng pag-asa si Madeline sa ilalim ng mga mapagmatyag na mata ng lahat. Kaya, tumalikod na lamang siya at bumalik sa manor. Sa wakas, nakita niya na rin si Jeremy.

Subalit, nang makita siya ni Jeremy na balot ng alikabok, at hindi maayos ang damit, kita ang inis sa mukha niya.

“Kaarawan ng mama ko ngayon. Hindi ka lang nahuli, ganito pa ang suot mo. Dagdag pa roon, sinubukan mo pang magnakaw mula sa iba. Pagod ka na ba sa buhay?”

Nambintang ito sa isang matigas na tono.

Ngumiti na lamang nang mapakla si Madeline. Napunta siya sa ospital dahil sa hindi magandang trato ni Jeremy sa kanya kagabi. Bukod pa roon, halos malaglag pa ang anak nila.

Bago pa man niya matanggap ang tungkol sa kanyang tumor, kailangan niya pang magmadali rito. Dagdag pa rito, sa pagkakataong pumasok siya sa pinto, nagkaroon pa ng insidente. Wala na siyang oras para magbihis pa.

Napatingin si Madeline sa mukha nito. “Jeremy, wala akong ninakaw na kahit ano. Si Meredith iyon…”

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman