Sumunod na araw, nagising si Madeline mula sa kanyang tulog.
Bago pa man siya magising nang buo, isang kahon ng contraceptive pills ang ibinato sa kanya.
“Inumin mo ito.”
Inangat ni Madeline ang kanyang ulo at nakita niyang bihis na si Jeremy. Malamig at elegante itong tignan, ibang-iba sa bayolenteng demonyo na kasama niya kagabi.
Nang tingnan niya ang kahon ng contraceptive pills, nanginig ang puso ni Madeline.
Buntis na siya at hindi niya dapat ito inumin. Magiging dahilan ito para madeporma ang bata.
“Bakit ayaw mong inumin? Gusto mo bang ipakain ko pa sa iyo?”
Nang makita niyang hindi kumikilos si Madeline, nainis siya rito nang bahagya.
“Madeline, sinasabihan na kita. Huwag mong subukan na dalhin ang anak ko. Wala kang hiya, kakagatin mo pa ang kamay na nagpapakain sa iyo. Hindi ka nababagay maging ina ng anak ko!”
Tumusok ang mga salitang ito sa puso ni Madeline.
Tag-init na, pero ramdam na ramdam ni Madeline ang malamig na simoy ng hangin sa puso niya.
Akala niya ang bata ang magiging dahilan para umayos ang relasyon nila, pero sino ba ang binibiro niya.
Ngayon, wala na siyang pagkakataong sabihin sa lalaki na buntis siya.
Gayundin, sa ilalim ng malamig at mapagmatyag nitong tingin, wala na siyang magawa. Kumuha siya ng isang pill at nagpanggap na nilunok ito. Sa totoo lang, tinago niya ito sa ilalim ng kanyang dila.
Ayaw ni Madeline na magsinungaling. Natatatakot siyang malaman ito ni Jeremy. Subalit, sa parehong pagkakataon, tumunog ang cellphone nito.
Tinignan ni Jeremy ang caller ID nito at agad na sinagot ang tawag. Sabay kumunot ang mga kilay nito.
“Ano? Sinubukang patayin ni Meredith ang sarili niya? Papunta na ako!”
Nagulantang si Madeline sa balita. Sinubukang patayin ni Mer ang sarili niya?
Hindi niya pinansin ang sakit ng katawan at agad na nilinis ang itsura niya. Sunod, naglagay siya ng kahit anong damit at agad na bumaba.
PInaandar na ni Jeremy ang sasakyan at papaalis na sana. Subalit, biglang napabukas ang passenger seat.
“I-alis mo ang madumi mong kamay. Sino ang nagsabing umupo ka sa kotse ko?”
Ang malamig at walang pusong mga salita ng lalaki ang naging dahilan para tanggalin niya agad ang kanyang kamay. Kasing baba siya ng dumi sa tuwing tinitignan siya ni Jeremy.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman