Nagbago ang ekspresyon ni Jeremy ng marinig iyon.
Lumakad siya papalapit at nakita na nakatalikod sa kanya si Meredith. Nakikipagusap siya sa doktor ni Madeline.
“Bakit ito nangyayari? Hindi ko inakala na magagawa ni Maddie ang ganong klase ng bagay...” Pagkalipas ng ilang sandali, maririnig ang buntong-hininga ni Meredith.
Hindi narinigg Jeremy ang buong istorya. Ngunit, nang lalakad na siya papasok at kwestyunin sila, sumimangot ang doktor at sinabi, “Hay! Laban sa sinumpaan ko ang magsinungaling, pero iba talaga ang kapatid mo. Hindi siya nagdadalang-tao, pero pinilit niya na magpanggap na nagdadalang tao siya. Gumamit pa siya ng pekeng dugo para magpanggap na naapektuhan ang sanggol. Nang nalaman namin, tinakot niya kami na magpapakamatay siya at pinilit kami na magsinungaling kasama niya. Wala kang masabi!”
Agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jeremy ng marinig ito.
Nagpapanggap lang siya?
Nagpapanggap lang si Madeline na nagdadalang tao? Peke din ang dugo niya?
“Naiintindihan ko kung bakit magagawa ‘yon ni Maddie, pero hindi ko inakala na magagawa niyang magbanta na magpapakamatay siya at pilitin kayo na magsinungaling sa asawa niya. Sobrang tigas ng ulo niya!”
“Sa tingin ko dapat kausapin mo kapatid mo. Malalaman din ng asawa niya na peke ang pagdadalang tao niya balang araw.” Tumalikod ang doktor at umalis pagkatapos makipagusap sa kanya.
Hinabol siya ni Meredith, “Dok, pakiusap ‘wag mo ito sabihin kahit kanino, lalo na sa asawa ng kapatid ko. Kinakatakot ko na baka mapatay niya ang kapatid ko kapag malaman niya ‘to.”
Nagbuntong hininga nalang ako doktor. “Ikaw na ang gumawa ng paraan tungkol sa bagay na ‘yan. Pagkatapos ng lahat, walang karamdaman si Madeline. Maari siyang makaalis anumang oras.”
“Salamat po dok! Salamat po dok!”
Nagpasalamat si Meredith sa doktor habang lumalakad ito papalayo.
Pagkatapos pasalamatan ang doktor, nagbuntong hininga si Meredith at napasimangot.
“Maddie, sumosobra ka na. Mapapatawad kita kung nagpanggap ka lang na maging ako at magsinungaling kay Jeremy na ikaw ang kababatang kaibigan niya. Pero paano mo nagawang magpanggap na nagdadalang tao? Hay!”
Nagbuntong hininga si Meredith at tumalikod. Pagkatingala niya nakita niya si Jeremy. Sa mga sandali din na iyon, kita ang pagkagulat sa kanyang mga mukha.
Tumingin siya kay Jeremy, “J-jeremy, kelan ka pa nandito?”
Tinignan ni Jeremy si Meredith na hawak ang kanyang dalawang kamay dahil sa nerbyos. Pinigilan niya ang kanyang galit. “Alam mo ang binabalak ng babaeng ‘yon, pero nagagawa mo parin na magsinungaling sakin alang-alang sa kanya?”
Nang marinig ang mga sinabi ni Jeremy, napatunganga si Meredith ng ilang segundo. Sa kabila nito, tinignan niya si Jeremy habang nagtataka at sinabi, “Jeremy, hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Sino? Sinong tinulungan ko? Mali ka ata ng pagkakarinig sakin.”
Napasimangot si Jeremy ng makita na patuloy na nagsisinungaling sa kanya si Meredith. “narinig ko ang sinabi mo sa doktor at gusto mo parin magsinungaling sa mukha mo?”
Iniling ni Meredith ang kanyang ulo at namula ang kanyang mga mata dahil sa hinaing. “Jeremy, hindi ako nagsisinungaling sa’yo. Paano ko magagawang magsinungaling sa’yo?”
“Hindi mo parin ba sasabihin sakin ang katotohanan?”
“Jeremy...”
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman