Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 21

Labis ang takot na naramdaman ni Jeremy. Naramdaman niya na parang may isang tinik na tinutusok ang kanyang puso. Agad niyang binuhat si Madeline ng walang alinlangan.

Nang makita ito ni Meredith mula sa isang tabi, agad siyang humarang para pigilan si Jeremy. “Jeremy, saan mo dadalhin si Maddie?”

Ngunit, hindi siya pinansin ni Jeremy at agad agad na nagtungo sa Hospital habang buhat-buhat si Madeline.

Habang nagtutungo sa ospital, puno ang kanyang isipan ng alaala ng sandali na unang niyang makilala ang batang babae noong bata siya. Napakaselan ng mga sandaling iyon ngunit napakatahimik. Patuloy niya itong iniisip.

Bumilis ang tibok ng puso ni Jeremy. Tila nakalimutan niya na dapat ay kinamumuhian niya si Madeline at agad agad na dinala siya sa ER.

Sinabi sa kanya ni Madeline na buntis siya at siya ang ama. Subalit ngayon ang dugo ni Madeline ay nasa katawan niya.

Pakiramdam ni Jeremy na sinasakal siya ng isang bagay na hindi niya maintindihan. Ito ang unang pagkakataon na pinalangin niya na maging maayos ang kalagayan ni Madeline.

Hindi siya mapakali at nagpalakad-lakad habang naghihintay. Dama ni Jeremy ang pagkabalisa.

Sa mga sandaling iyon, isang nurse ang lumabas. Pinigal siya ni Jeremy at itinanong, “Anong nangyayari? Anong problema sa asawa ko?”

Tinignan ng nurse si Jeremy. Rinig ang galit sa kanyang tono habang sinasabi, “Kakaiba ka bilang isang asawa. Nagdadalang tao ang asawa mo, at nagawa niya parin na magbabad sa ulan. At saka, puno ng sugat ang kanyang buong katawan. Nilalagnat siya at nagdudugo ang kanyang ari. Diyos nalang ang makakapagsabi kung maliligtas pa ang bata.”

Pakarimdam ni Jeremy na hindi siya makahinga. Dahil dito, wala siyang ibang naiisip. Isang bagay lang ang kanyang nasa isipan; iyon ay maligtas si Madeline kahit anong mangyari.

Pagkalipas ng ilang oras, bumukas ang pintuan ng operating room.

Nagmadali si Jeremy na nagtungo sa higaan at nakita niyang walang malay si Madeline. Pagkatapos makita ang maputlang mukha ni Madeline, nakaramdam ng sakit si Jeremy sa kanyang puso.

Hindi niya mapigilan na hawakan ang malamig na kamay ni Madeline habang kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

‘Madeline, sabihin mo nga sakin. Bakit mo ako tinawag na Jez? Bakit mo alam ang pangako ko kay Linnie noong bata pa ako?’

Idinala si Madeline sa VIP room kung saan patuloy siyang natutulog. Naramdaman niya na tila may nakahawak sa kanyang kamay dahil sa init na dumaloy sa kanyang balat. Tila nawawala na ang lamig sa kanyang katawan.

Nang magising Madeline, kinabukasan na. Nang sinubukan niyang gumalaw, napansin niya na may nakahawak ng mahigpit sa kanyang kamay.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita si Jeremy sa gilid ng higaan. Hawak ni Jeremy ng mahigpit ang kanyang mga kamay. Napakainit ng kanyang mga kamay.

Napatulala si Madeline at hindi mapakaniwala sa mga nangyari. Tila para bang nanaginip lang siya.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman