Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 24

Gayunpaman, napailing nalang si Madeline at mapait na ngumiti. Anong pinagkaiba kung sasabihin niya kay Jeremy o hindi?

Hindi parin siya bibigyan ng pansin ni Jeremy. Para kay Jeremy, mas makakabuti kung mamamatay siya.

Alang-alang sa sanggol na nasa tyan niya, kailangan mabuhay ng matiwasay ni Madeline.

Sinabihan siya ng doktor na kinokontra ng sanggol ang kalagayan niya.

Sa paglaki ng sanggol sa kanyang tyan, lalong lalala ang kalagayan ni Madeline dahil ang posisyon ng sangol ay direktang nasa itaas ng tumor na lalong lalala sa bawat araw na lumilipas.

Napakaraming resume ang ipinasa ni Madeline online, ngunit wala siyang natanggap kahit isang sagot. Ngunit sa huli, nakatanggap siya ng isang order.

Mula ito sa isang maliit na kumpanya. Gusto nila na magdisenyo si Madeline ng isang pares ng singsing at disente ang inalok na presyo.

Tinanggap ni Madeline ang order. Nagtrabaho siya buong araw sa kanyang silid at bumaba lang para kumain.

Tatlong buwan na ang sanggol. Ngunit, tag-lamig kaya hindi siya mukhang nagdadalang tao dahil sa suong niyang sweater.

Sa panahong iyon, nasanay na si Madeline na hindi kinamusta ni Jeremy kahit isang beses.

Nang biglang nakarinig siya ng yapak ng paa sa pintuan. Nakita niyang bumalik si Jeremy sa bahay.

Nakasuot siya ng isang magarang itim na leather jacket. Meron siyang aura ng asetisimo at napaka kaakit-akit niyang tignan.

May hawak siyang dalawang bag na may nakaprint na cartoons. Nang tignan ng maigi ni Madeline, napansin niya na mga damit iyon na pambata.

Nagulat siya ngunit nasiyahan padin at nakaramdam ng pag-asa.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman