Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 25

Nang marinig iyon ni Ava, nagsimula siyang mag-alala. “Madeline Crawford, anong pinagsasabi mo?”

“Seryoso ako.” Sagot ni Madeline sabay ngiti. Tinignan niya ang asul na karagatan sa kanyang harapan, at muli niyang naisip ang magagandang alaala.

“Ito ang lugar kung saan idineklara namin ni Jeremy ang pagmamahal namin sa isa’t-isa,” sabi ni Madeline bago niya itama ang kanyang sinabi, “Dito pala nagsimula ang one-sided love ko para sa kanya.”

Nagulat si Ava. At pagkatapos ay napagtanto niya ang mga nangyayari. “So eto ang lugar kung saan kayo unang nagkakilala.”

Tumango si Madeiline at ipinikit ang kanyang mga mata. Nasinawagan ng araw ang kanyang bilugan ngunit mabutong mukha. “Sinabi niya sakin noon, ‘Linnie, pagtandi natin, ikaw ang papakasalan ko.’”

Sabi ni Madeline bago dahan-dahang minulat ang kanyang mga mata. Sa sandali ding iyon, nagsimula tumulo ang luha mula sa kanyang mata.

Nagsimulang magalit si Ava. “Sinungaling ang lahat ng lalaki! Bata palang si Jeremy, alam na niya na magsinungaling sa mga babae. At nabola ka naman niya!”

“Oo, akala ko totoo ang sinabi niya. Bukod sa pag-aakala na totoo ang sinabi niya, inakala ko din na seryoso siya.”

“Maddie, sumuko ka na. Hindi karapat dapat ang lalaking iyon sa pagmamahal mo,” payo ni Ava. Nalungkot siya ng malaman kung gaano kalalim ang nararamdaman ni Madeline kay Jeremy.

Ngunit, ngumiti si Madeline. “Ava, 12 years na ang nakakalipas. Hindi ko na siya makakalimutan pa.”

Taos-puso ang pagmamahal niya para kay Jeremy. Bawat hininga ay katumbas ng pagmamahal niya.

Paano niya magagawang kalimutan lang si Jeremy?

“Kaya ba kaya mo isakripisyo ang buhay mo para lang sa lalaking ‘yon?”

Pagkatapos magsalita ni Ava, isang malamig na simoy ng hangin ang kanilang naramdaman at dumaloy ang lamig sa buong puso ni Madeline.

“Basta ikakasaya niya.”

Nakalimutan niya na ang kanyang sarili simula ng mahulog kay Jeremy noong una nilang pagkikita.

“Ava, sa tingin ko hindi ako magkakaron ng tsansa na ipangak ang sanggol.”

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman