Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 32

Alam ni Madeline na wala na siyang magagawa nang marinig niya ang sinabi ni Eloise.

Wala siyang pakialam kung lalaitin siya o pagbibintangan siya, ngunit masyadong mahalaga sa kanya ang trabaho niyang ito.

"Draft? Kailan ka pa naging designer, Maddie?" Nagulat si Meredith. "Ginagamit mo ba yung mga design sa internet tapos sinasabi mo na ikaw yung gumawa ng mga yun gaya nung ginawa mo nung college? Maddie, bakit ka nagkaganyan?" Dismayadong tumingin sa kanya si Meredith.

Lalong nagdilim ang mukha ni Eloise nang marinig niya ang mga sinabi ni Meredith. Tiningnan niya ng masama si Madeline at umalis kasama ang kanyang anak.

Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline nang tingnan siya ng masama ni Eloise.

Gusto sana niyang habulin si Eloise para magpaliwanag, ngunit may humila sa kanya.

Noong mapansin ni Meredith na walang ibang tao sa paligid nila, ngumiti siya ng masama. "Ikaw, hampaslupa ka, huwag mo nang balakin na makipag kompetensya sakin para sa posisyon ng pagiging Mrs. Whitman. Malalaman mo din kung anong kapalit ng pakikipag kompetensya sakin Madeline."

Hinawakan ng mahigpit ni Madeline ang mga disenyo niya at tumingin ng masama kay Meredith. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na sampalin ng malakas si Meredith.

"Walang may alam kung anong mangyayari sakin, pero kitang-kita ko na nakabakat ang kamay ko sa pisngi mo ngayon."

"Madeline! P*ta ka, ang lakas ng loob mong sampalin ako!" Galit na galit si Meredith.

Ngumisi si Madeline. "Sasampalin kita kung kailan ko gusto. Hindi naman 'to ang unang beses na sinampal kita. Kung gusto mo, magsumbong ka kay Jeremy pagkatapos mong ayusin yang sarili mo. Gustong gusto naman niya yung kaartehan mo e."

“...”

Nanggigil si Meredith at hinipo ang kanyang pisngi.

Gusto niyang gantihan si Madeline, ngunit madali itong nakaiwas. Pagkatapos ay tumalikod siya at umalis.

Alam ni Madeline na magsusumbong ang p*tang yun kay Jeremy. Subalit, hindi niya inasahan na tatawagan siya agad ni Jeremy.

"Pumunta ka sa Crawford Manor. Ngayon na."

Mahinahon ang tono ng lalaki. Subalit, alam ni Madeline na may nagbabadyang delubyo pagdating niya sa Crawford Manor.

Halatang may gumawa nito kay Meredith pagkaalis niya.

Hindi napigilan ni Madeline na magsalita. "Kung alam mong may kasalanan ka, bakit ayaw mo pa ring lubayan yung asawa ko? Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo, Meredith?"

"..." Natahimik si Meredith. Makikita ang pagkadismaya sa kanyang mga mata.

Bahagyang natuwa si Madeline sa kanyang sarili. Subalit, pagkalipas ng ilang segundo, nakatanggap siya ng isang malakas na sampal.

Slap!

Agad na nahilo si Madeline nang sampalin siya ni Jon. Nalalasahan niya ang dugo sa gilid ng kanyang mga labi. Bago pa man siya mahimasmasan, muling may sumampal sa kaliwang pisngi niya. Pagkatapos ay may sumipa sa kanyang paa, dahilan para mapaluhod siya.

Nanlupaypay si Madeline at bumulagta sa sahig. Tatayo na sana si Madeline nang biglang tinapakan ni Jon ang kanyang kanang kamay.

"Ito ba yung kamay na pinangsampal mo kay Mer?"

Reading History

No history.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman