Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 31

Isang maganda at balingkinitang babae na mula sa upper-class ang nagpatawag sa kanya.

Pagkatapos niyang makasalamuha ang babae ng ilang beses, alam ni Maseline na siya si Eloise Patton, na kilala rin bilang Mrs. Montgomery. Kabilang siya sa isa sa apat na pinaka mayaman at maimpluwensiyang pamilya sa Glendale.

Sa di malamang dahilan, nakakaramdam ng koneksyon si Madeline kay Eloise sa tuwing mag-uusap sila.

Maraming pagmamay-ari ang mga Montgomery, at si Eloise ang namamahala sa mga alahas. Natuwa siya sa unang draft na ipinasa ni Madeline.

Dahil sa ilang mga espesyal na dahilan, inimbitahan ni Eloise si Madeline sa bahay niya noong araw ng pagpapasa ni Madeline ng final draft niya.

Nang makarating siya sa bahay ni Eloise, nalaman niya na ngayon ang ika-24 na kaarawan ng anak nila Eloise at Sean Montgomery, na si Brittany Montgomery.

Dahil dito, naalala ni Madeline na ngayon din ang ika-24 niyang kaarawan.

Hindi mapigilan ni Madeline na mainggit habang tinitignan niya ang mala-prinsesang si Brittany.

Mula noong bata siya, hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng isang ama at ina. Noong magkaroon siya ng pagkakataon na maging isang ina, naisipan naman ng Diyos na bigyan siya ng napakaikling buhay.

Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline. Huminga siya ng malalim at ngumiti.

Ano man ang mangyari, kailangan niyang makakuha ng 300,000 dolyar para sa operasyon ng lolo niya.

Lalapit na sana si Madeline kay Brittany para bumati nang makita niya bigla si Meredith.

Maganda ang kanyang suot at pati na rin ang kanyang makeup. Nakahawak siya sa braso ni Brittany habang nagseselfie silang dalawa.

Matalik na magkaibigan sila Meredith at Brittany. Hindi ito inasahan ni Madeline.

Para makaiwas sa gulo, gusto sanang umalis ni Madeline, ngunit pinigilan siya ni Meredith.

"Maddie, ikaw nga! Akala ko namamalikmata ako." Mahinhin siyang binati ni Meredith. "Bakit ka nandito?"

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman