Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 34

Nakatayo si Madeline sa gitna ng ulan. Napakadilim ng kanyang paligid.

Napakalaking halaga ng sampung milyon para sa kanya.

Sa kabila ng pagiging madam ng pinakamayamang pamilya sa Glendale, wala siyang napalang maganda sa posisyon niya. Sa halip, bugbogsarado siya at pagod na pagod.

Hindi nagtangkang tumawag sa mga pulis si Madeline dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Len.

Wala siyang ibang pagpipilian. Si Jeremy lang ang mahihingan niya ng tulong.

Subalit, maaaring binlock ni Jeremy ang number niya dahil hindi niya ito matawagan kahit na ilang beses niyang sinubukan.

Naisip niya na baka pinahihirapan na ng kidnapper ang lolo niya ngayon. Dahil dito, bumalik siya sa Crawford Manor.

Inangat niya ang kanyang kanang kamay at naalala niya kung paano tinapaktapakan ni Jon ang kamay niya. Dahil dito, nawalan ng pwersa ang kanyang kamay.

Kumatok sa pinto si Madeline gamit ang kanyang kaliwang kamay. Pagkalipas ng ilang sandali, may nagbukas na ng pinto, Ngunit, bago pa man siya makapagsalita, may nagsaboy sa kanya ng tubig.

"Alis! Huwag mong dumihan ang pinto ko! Kung alam ko lang na sasaktan mo si Mer, hindi sana ako pumayag na ampunin ka!" Bitbit ni Rose ang isang timba at galit na galit na sinigawan si Madeline. Pagkatapos niyang sigawan si Madeline, dinuraan niya ito at isinara ng malakas ang pinto.

Suminghal si Madeline. "Tingnan mo nga naman."

Ginamit nila ang bone marrow niya para iligtas ang buhay ng sakiting si Meredith noon. Subalit, hindi niya inasahan na ganito ang igaganti nila sa kanya.

Kinagat ni Madeline ang kanyang labi at naglakad papunta sa bintana ni Meredith. Pagkatapos, sumilip siya sa bintana.

Halos hindi maidilat ni Madeline ang kanyang mga mata habang bumubuhos ang ulan.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman