Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 35

"Bakit ko ba niligtas gamit ng bone marrow ko ang isang bruhang gaya mo? Nahulog ang loob ni Jeremy sayo kasi bulag siya!"

Paulit-ulit na pinagsasampal ni Madeline si Meredith. Naglabasan ang lahat ng tao sa bahay nang marinig nila ang gulo.

Noong makita ni Rose na sinasampal ni Madeline si Meredith, sumugod siya at hinablot ang buhok ni Madeline. Sinipa niya si Madeline, ngunit hindi ito bumitaw kay Meredith.

"Jeremy, tulong! Tulungan mo 'ko Jeremy! Papatayin ako ni Madeline!"

Nagsisigaw si Meredith. Sa wakas ay narinig siya ni Jeremy.

"Madeline, nababaliw ka na ba?" Hinila ni Jeremy ang nagwawala ng si Madeline palayo. Pagkatapos nito, niyakap niya si Meredith.

"Boohoo… Jeremy, sobrang sakit. Ang sakit ng mukha ko! Nababaliw na si Maddie!" Ang sumbong ni Meredith habang nakasandal siya kay Jeremy.

Lumapit sa kanila si Madeline. "Meredith, huwag ka ngang magpanggap. Ako nga dapat yung umiiyak! Bakit ba nakilala ko ang plastic na gaya mo?"

"Jeremy, tingnan mo! Sinisigawan at pinagsasampal ng p*tang yan si Mer sa harap mo tapos sinasabi pa rin niya na may ginawang masama sa kanya si Mer. Matagal mo na dapat hiniwalayan ang babaeng 'to!" Agad na sinaklolohan ni Rose ang anak niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jeremy. Nakakatakot ang malalamig na titig niya.

“Madeline!”

Sumigaw siya at tiningnan ng masama si Madeline na para bang gusto niyang punitin ito.

"Inuubos mo talaga ang pasensya ko. Gusto mo na bang mamatay?"

"Heh." Suminghal si Madeline. Totoo namang mamamatay siya ng maaga. "Jeremy, buksan mo ang mga mata mo. Tao ba Yang kaharap mo o hayop?"

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman