Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 40

Nakakulong si Madeline sa presinto. Makalipas ang dalawang araw, nakita na niya sa wakas si Jeremy.

Yun ang same na meeting room gaya ng dati. Subalit, mas mukha siyang balisa kaysa noon. Sa kabilang banda, mas galit tignan ang lalaki kaysa noon.

Para siyang isang demonyo mula sa impyerno. Sa sandaling pumasok siya, hinablot niya ang kwelyo ni Madeline nang halos tusukin siya ng malamig na titig nito.

"Madeline, ano bang sinabi ko sayo noon? Napakahirap bang mamuhay nang tahimik? Gusto mo bang mamatay?"

"Di ko siya tinulak Jeremy. Si Meredith ang sadyang bumitaw sa kamay ko matapos akong hablutin! Pwede mong panoorin ang security footage kung ayaw mong maniwala sa akin! Baka may mga security camera sa shop na yun! Jeremy, malalaman mo ang totoo pag nakita mo ito!" Kumakapit na si Madeline sa huling tyansa niyang mabuhay. Diniin niya ang mga sinabi niya.

"Ang totoo ay tinulak mo si Mer! Kitang-kita sa security footage!"

"Ano?"

Nagulantang si Madeline. Nagblangko ang kanyang isip.

Ipinakita sa kanya ni Jeremy ang security footage. Di inasahan ni Madeline na sa anggulong ito ay mukha talagang siya ang tumulak kay Meredith.

Naging kasinungalingan ang lahat ng paliwanag niya.

Wala siyang masabi sa 'ebidensyang' nakalatag sa harap niya.

Nasunog ng apoy sa mga mata ni Jeremy ang puso ni Madeline.

"Madeline, ano nang masasabi mo ngayon? Nawalan na ng anak si Mer. Masaya ka na ba?"

Di niya ito mapaniwalaan.

Nawalan talaga ng anak si Meredith?

Kusa niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Mas lumala ang parusang nararamdaman niya. Tinignan niya ang galit na mukha ng lalaki at sinubukang magpaliwanag. "Di ko talaga siya tinulak, Jeremy. Di ko siya tinulak ngayon at di ko rin siya tinulak noon. Lahat ng ito ay patibong na ginawa niya para sa akin!"

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman