Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 39

Masusuot ng sanggol sa kanyang tiyan ang mga damit na ito kahit ano pang kasarian nito.

Magbabayad na sana si Madeline para sa mga damit. Subalit paglingon niya, nakita niya si Meredith.

Tila ba mag-isa siya. May masama itong ngiti sa kanyang mukha. Gusto siyang lagpasan ni Madeline, ngunit hinarang siya nito.

"Maddie anlaki na ng problema mo pero may gana ka pang mamili? Diba hinahanap ka ng mga pulis?"

Naguguluhan si Madeline sa kung ano bang tinutukoy niya. Pagkatapos nagpatuloy si Meredith. "Napakagaling mo ring magpanggap noh. Ayos lang kung wala kang talento, pero bakit ka nag plagiarize ng gawa ng iba? Kinasuhan ka ng Minora sa pagsira sa pangalan ng kompanya nila. Atsaka kinakasuhan ka nila sa paglabag sa intellectual property rights. Kung mahuli ka sa krimeng ito makukulong ka."

Naguluhan si Madeline. Ang kompanyang binanggit ni Meredith ay ang kompanyang nagtiwala sa kanya na magdisenyo ng mga couple ring.

Subalit sarili niyang likha ang mga iyon. Di siya kailanman nangnakaw ng mga disenyo, paano naging plagiarism yun?

"Kalokohan yang sinasabi mo Meredith! Sinisira mo ang reputasyon ko sa paninirang puri mo na ito."

"Wag ka nang magpanggap Maddie. Di ito ang unang pagkakataong gumawa ka ng ganito karumal-dumal na bagay," naaawang sinabi ni Meredith.

Ayaw nang awayin ni Madeline si Meredith. Maraming beses na siyang natatalo. Ayaw na niyang bigyan pa ng pagkakataon si Meredith na pagbintangan siya muli.

Subalit, tila ba alam ni Meredith na gustong umalis ni Madeline, kaya mabilis niyang hinablot ang kamay niya at sinabi nang marahan at malakas ang boses, "Maddie, alam kong ayaw mo sa akin, ngunit pakiusap wag mong patayin ang anak ko. Maghiganti ka sa akin kung gusto mo. Walang kinalaman ang bata!"

Ito na naman.

Nabiktima si Madeline dito noong unang beses, kaya di niya hahayaang mabiktima siya ulit ni Meredith.

Subalit, mas tuso si Meredith sa inaasahan ni Madeline. Hinila niya ang kamay ni Madeline ay inihawi ito bigla. Pagkatapos bumagsak siya palikod na tila ba nawalan siya ng balanse.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman