Nanlamig ang puso ni Madeline nang marinig niya ang tanong ng officer. Dahil din dito ay mayroong siyang napagtanto.
Matagal na pala itong napagplanuhan. Lahat sila ay kasabwat dito.
Nangyari ang lahat ng ito dahil nahulog ang loob niya sa isang lalaki na hindi niya dapat minahal.
Hinawakan ni Madeline ang malamig na rehas at lumuhod sa lapag.
'Jeremy Whitman, kung pwede ko lang ulitin ang lahat, sana 'di na lang kita nakilala.'
Hindi inaasahan ni Madeline na mabubuhay pa siya hanggang sa araw na makalaya siya mula sa kulungan.
Siguro dahil ang gamot na pinadala ni Daniel sa kanyang mga tao ay mayroong malakas na epekto laban sa mga tumor, o kaya dahil ito sa kanyang matinding kagustuhan na makita ang kanyang anak na dinakip pagkatapos siyang pinilit na manganak. Sa maikling salita, milagro siyang nabuhay.
Maaraw noong araw na nakalabas siya sa kulungan. Subalit, hindi nito naitaboy ang hamog at sakit na kinimkim niya sa kanyang puso sa loob ng tatlong taon.
Ang pagpapahirap sa kanya sa loob ng halos isang libong araw na iyon ay nakabakat sa buo niyang katawan at hindi ito maglalaho kaagad-agad.
Pinanood ni Madeline sina Daniel at Ava na nagmadaling lumapit sa kanya. Nang makita ni Ava kung gaano siya kapayat, hinila niya papunta sa kanyang bisig si Madeline na walang ekspresyon sa kanyang mukha. "Maddie, 'wag kang natakot. Mags-stay ako sa tabi mo from now on."
Nakaramdam ng bugso ng kalungkutan si Madeline sa kanyang dibdib. Mayroon pa palang tao sa mundo na nagmamahal sa kanya.
Habang tinitignan ang nanlulumong si Madeline na mukhang sakitin at maputla, nakaramdam ng matinding pagsisisi si Daniel.
Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad kay Madeline. Kung wala lang siya sa ibang bansa noong napahamak si Madeline, hindi sana niya naranasan ang ganitong paghihirap nang mag-isa.
Binigyan man lang niya sana siya ng abogado para sa kanya.
Tumingin si Madeline kay Daniel na mukhang punong-puno ng pagsisisi. "Dan, thank you. Hindi mo na kailangang mag-sorry sa'kin. Wala kang kasalanan sa'kin."
'Ang mga taong may kasalanan sa'kin ay ang bruhang iyon, si Meredith Crawford, at ang napakasamang lalaki na minahal ko ng 12 years.'
Pagkatapos nilang mag-impake, dinala ni Daniel si Madeline kay Adam Brown para sa isang full body check-up.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman