Sa sumunod na araw, bumili si Madeline ng prutas at mga paboritong merienda ng kanyang lolo bago pumunta sa ospital.
Kaagad siyang dumiretso sa kwarto ng kanyang lolo pero natuklasan niya na wala na roon ang kanyang lolo.
Nagpunta si Madeline sa reception para magtanong tungkol dito. Nang makita ng nars na kamag-anak pala siya ni Len Samuels, tinignan siya ng kakaiba ng nars. Hindi rin maganda ang kanyang tono. "So, ikaw ang apo ni Mr. Samuels? Ganito ba dapat ang behavior mo bilang kanyang apo? Tatlong taon na siyang patay. Bakit nandito ka pa? Pumunta ka sa funeral parlor. Nandon ang mga abo niya."
Klank! Nalaglag sa lapag ang mga prutas sa kamay ni Madeline.
Nanlaki ang kanyang mga blankong mata at nanatiling nakatulala. Nagsimulang kumalat ang sakit na kanyang nararamdaman sa buo niyang katawan.
Akala niya ay patay na ang kanyang puso. Akala niya ay manhid na ito para makaramdam pa ng kahit na anong sakit. Subalit, nahihirapan siyang huminga dahil sa tindi ng sakit na kanyang nararamdaman.
Patay na ang kanyang lolo.
Tatlong taon na siyang patay!
Hindi man lang niya ito nakita sa huling pagkakataon!
Nagpunta si Madeline sa funeral parlor at kinuha ang abo ng kanyang lolo at ang kanyang mga gamit.
Isa itong gabi sa simula ng taglamig at kasalukuyang umaambon.
Hawak ni Madeline ang abo ng kanyang lolo at lumuhod sa gitna ng ulan. Hindi mapigilang tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi na nagpalabo sa kanyang paningin.
Sumakit ang puso niya nang dahil sa matinding lungkot at pagsisi. Wala na siyang magagawa para makabawi pa rito.
Tumakbo si Ava papunta sa kanya at niyakap siya, umiiyak siya habang inaalo ang kapwa niya babae. "'Wag kang umiyak, Maddie. It's all in the past. Tapos na ang lahat."
Sa tulong ni Ava, nakahanap si Madeline ng lupang paglilibingan para sa kanyang lolo.
Pagkatapos niyang magbigay galang sa kanya, bumalik siya sa ospital para magtanong tungkol sa pagkamatay ng kanyang lolo. Walang habag na nagsalita ang nars, "Namatay siya sa katandaan."
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman