Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 45

Nanlabo ang paningin ni Madeline dahil sa kanyang mga luha.

Ngunit, hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kalupit si Jeremy.

Napakakaaya-aya ng batang iyon. Magagawa niya ba talaga iyon sa bata?

Hinila ng buong lakas ni Meredith ang maikling buhok ni Madeline. Tinignan niya ang simple pero magandang mukha ni Madeline at nakaramdam siya ng galit sa kanyang dibdib. "Madeline, kilala mo ba kung sino na ako ngayon? I'm Miss Montgomery, at magiging Mrs. Whitman na ako soon. Who are you para kalabanin ako?"

Sinipa niya si Madeline na hinang-hina na para makalaban pa. Malagim siyang ngumisi at nagsabing, "Di ba gusto mong ibalik ko ang anak mo?"

Nanginig si Madeline. Naaninag niya ng kanyang malabong paningin si Meredith na may hawak na maliit na boteng kasinglaki ng kamao. Mayroong puting pulbos sa loob nito.

"Andito ang anak mo."

Ano?

Pakiramdam ni Madeline ay natuyo ang lahat ng dugo sa kanyang katawan at pati na ang kanyang kalamnan ay malinis na tinanggal. Buto na lang ang natira sa kanya.

Nagdilim ang kanyang paningin pero naririnig niya ang nakakapangilabot na boses ni Meredith na nagsabing, "How unfortunate. Isa itong bata who just came to this world. Ang batang 'to ay isang chubby and cute baby na may laman at dugo. However, abo na lang siya ngayon."

"Sabi ni Jeremy, deserve ito ng bastardong 'yon. Sinong nagsabi sa'yo na galitin mo ako ng galitin?"

"Oh, babae nga pala ang bastardo na 'to. Pero, 'di man lang 'to tinignan ni Jeremy bago siya mag-utos na ipalibing."

"Since gusto mo ang kanyang walang kwentang abo, then ibibigay ko sa'yo." Nagpanggap na mabait si Meredith pero malagim siyang tumatawa.

Sobrang sakit ang nararamdaman ni Madeline na paulit-ulit siyang nawawalan ng malay. Nagdilim ang kanyang paningin, pero nang marinig niya ang mga sinabi ni Meredith ay nagising siyang muli.

Namumula ang kanyang mata habang pinapanood si Meredith na tinataas ang bote. Nang gagapang sana siya para saluhin ito, tinapakan siya sa likod ng inarkilang tao ni Meredith. Naipit siya sa ilalim nito.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman