Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 46

Ang bawat salita na kanyang binanggit ay parang asin sa kanyang sariwa at madugong mga sugat. Namanhid ang buo niyang katawan dahil sa tagos-butong sakit na kanyang naramdaman.

"Hehe…" Nakakaawang tumawa si Madeline.

Sa huli pala ay napakasama niya na nagawa niyang burahin ang presensya ng kanyang anak.

Kaya niya palang duruging pino ang buto ng kanyang anak para sa demonyong babaeng iyon!

Akala ni Madeline ay patay na ang kanyang puso. Akala niya ay hindi na siya makakaramdam ng kahit na anong sakit.

Subalit, hindi niya inaasahan na hahapding muli ang mga sugat na iyon pagkatapos niyang makitang muli ang lalaking iyon.

"Jeremy, I didn't expect na dadating si Madeline para gumawa ng gulo sa sandaling makalabas siya ng kulungan. Natatakot ako. Natatakot ako na baka saktan niya ulit ang anak natin. Isang beses na niyang pinatay ang anak natin. Ayoko nang mangyari pa 'yon ulit."

Sumandal si Meredith sa dibdib ni Jeremy habang umiiyak.

Napakainosente niyang nagsasalita, pero halata na sinasadya niyang pasilabing muli ang galit sa puso ni Jeremy.

Kagaya ng inaasahan ng babae, kumunot ang noo ni Jeremy nang may masama at nakakapangilabot na titig kay Madeline.

"Madeline, sa tingin mo ba ay masyado pang maikli ang tatlong taon mo sa kulungan? Kung gusto mong bumalik ulit doon, pwede mong sabihin sakin. 'Wag mong hahayaang makita kong hinaharass mo ulit si Mer!"

Malakas niyang tinulak si Madeline at binalaan siya nang may malamig na tono. Mas lumakas pa ang kanyang proteksyon at pagtitimpi kay Meredith kumpara sa dati. Malinaw na malinaw ito sa kanyang boses.

Nawindang si Madeline at bumagsak sa lapag. Nanginig siya sa sakit sa buo niyang katawan.

Nang maalala niya ang pambubugbog at pagpapahirap na kanyang naranasan sa loob ng isang libong araw at gabi, nagsimulang tumibok ng mabilis ang kanyang puso.

Hindi niya gustong bumalik sa lugar na iyon nang walang hustisya.

Nagngitngit ang ngipin ni Madeline at hinigpitan ang kanyang kamao. Ang taos-puso niyang pagmamahal para kay Jeremy ay biglang nagbago.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman