Malinaw na hindi inaasahan ni Jeremy na magkakaroon ng lakas ng loob si Madeline na magsalita sa kanya ng ganito.
Sa umpisa ay gusto niya sanang turuan ng leksyon si Madeline, pero bigla na lang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mga mata. Malamig pa rin ang kanyang tono kagaya ng dati. "Anong ibig mong sabihin na 'di ka na magtatagal?"
Hindi inaasahan ni Madeline na mababahala si Jeremy tungkol dito. Hindi ba kanina sumisigaw siya at nagbababala na huwag saktan si Meredith?
Hindi niya maintindihan kung ano ang nasa isip ni Jeremy. Subalit, ayaw niyang sabihin sa kanya ang tungkol sa tumor sa kanyang katawan.
"Wala lang 'yon. Hindi ka dapat nababahala sa mga sinasabi ng isang babaeng katulad ko, Mr. Whitman." Pagkatapos magsalita ni Madeline, tinulak niya papalayo si Jeremy. Siguro dahil na rin sa epektong sikolohikal, biglang nagsimulang sumakit ang lugar sa kanyang katawan kung nasaan ang tumor.
Ngunit hindi basta-bastang sumuko si Jeremy. "Madeline, napakatigas ng ulo mo. Nagpapanggap ka ba para makaramdam ako ng awa para sa'yo?"
Nabigla si Madeline bago bahagyang tumawa. "Oo, nagpapanggap na naman ako. Paano maikukumpara ang isang walang hiya at napakasamang babaeng kagaya ko sa babaeng pinakamamahal mo? Sa tingin ko ay si Meredith ang pinakapuro at pinakamahinhing santo para sa mga mata mo!"
Nang sinabi niya ito, tinitigan niya ang mga mata ni Jeremy.
Malalim ang kanyang iniisip sa loob ng mga dalawang segundo bago niya binuksan ang kanyang bibig. "Tama ka, walang makakapalit kay Mer sa puso ko. Simula noong unang araw na makita ko siya, alam ko na siya ang babaeng gusto kong protektahan sa buong buhay ko."
Bago matapos si Jeremy, naging matalas at tumatagos ang kanyang titig. "Kaya, kung susubukan mong saktan kahit isang hibla lang ng buhok ni Mer, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo 'yon nang mas malala sa 100 o 1,000 beses."
Ang bawat salitang kanyang sinabi ay parang isang espadang yelo na humihiwa sa kalamnan ni Madeline.
Tumutulo mula sa kanyang katawan ang hindi nakikitang dugo pero hindi niya ito makita.
Namumula ang mga mata ni Madeline pero hindi niya alam kung tatawa ba siya o iiyak.
Lumalabas na walang awa niyang pinatay ang kanyang sariling anak para lang pasayahin si Meredith.
Lumalabas na gusto niyang protektahan si Meredith sa sa sandaling nakita niya ito.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman