Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 49

Nawalan ng sigla ang mga mata ni Madeline. Malinaw niyang nakikita ang singsing na suot ni Meredith at iyon pa nga ang singsing na kanyang dinesenyo!

"Madeline, talented ka. Ang ganda tignan ng singsing. I like it, pero ang pinakamahalaga, si Jeremy ang nagsuot sa'kin nito."

Pinagmamayabang niya ang kanyang singsing, malinaw ito sa kanyang mga mata.

Tinupi ni Madeline ang kanyang mga daliri at mahigpit na hinawakan ang phone na kanina pa nagre-record ng video. Ngumiti siya habang nagngitngit ang kanyang ngipin.

"Meredith, inaamin mo ba ngayon na friname-up mo lang ako for plagiarism kahit na malinaw na ako talaga ang tunay na creator?"

Suminghal si Meredith. "Eh ano ngayon? Sinong maniniwala sa'yo? Sino ka ba para kalabanin ako?"

"Tama na 'yan." Ngumiti si Madeline at tumalikod pagkatapos niyang sabihin iyon.

Nang makita ni Meredith si Madeline na may kakaibang kinikilos, pakiramdam niya ay parang may mali. Nang mapagtanto na niya kung anong mali, nakasakay na sa kotse si Madeline.

Pagkatapos ng ilang sandali, isang video ang nag-viral sa internet.

Sa loob ng video, malinaw na nakikita ang mukha ni Meredith at ang bawat salita niya ay totoo at sigurado.

Nakita ni Madeline na nagulat ang mga netizen dito. Pagkatapos, ilan sa kanila ang nagalit sa kawalan ng hustisya na kanyang naranasan.

Sa umpisa pa lamang ay mali ang pagpaparatang sa kanya.

Pagkatapos ng ilang sandali, nagsimulang magwala ang mga komento sa ibaba.

Lahat sila ay nagsasabi na napilitan lang si Meredith na gawin iyon. Sabi nila ay si Madeline ang dahilan kung bakit siya nakunan at kaya niya iyon ginawa. Kaya ito raw ay maiintindihan at mapapatawad.

Kung ikukumpara sa pagkamatay ng anak ni Meredith, ano naman ang maling paratang ng plagiarism kay Madeline?

Maipagkukumpara ba ito?

Pumikit si Madeline. Hindi lang reputasyon ang nawala sa kanya, nawala rin sa kanya ang kanyang pinakamamahal na anak.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman