Nanatili sa kanyang taenga ang mababa at malalim na boses mi Jeremy at bumilis ang tibok ng piso ni Madeline. Subalit, wala na ang pag-aasam na mayroon siya noon. Natabunan na ng galit niya kay Jeremy ang dating pagmamahal niya para dito.
Di inasahan ni Madeline na ayos lang kay Old Master Whitman na nakulong siya sa bilangguan sa loob ng tatlong taon. Sa halip ay malumanay nitong sinabi kay Madeline na magbagong-buhay siya at mamuhay ng masaya kasama si Jeremy.
Halatang makalumang tao ang old master. Kaya malamang ay magagalit siya sa kanyang apo sa paggawa ng ganitong krimen. Subalit sa sandaling ito, nagulantang si Madeline. Nahabag siya at tumanaw ng utang ng loob.
Naalala rin niya sa old master ang kanyang lolo na yumao. Pareho silang napakabuting mga tao.
Kumain si Madeline ng hapinan sa Whitman Manor. Ramdam na ramdam niyang ang lahat ay kinukutya siya bukod sa old master, lalo na ang nanay ni Jeremy.
Pag-alis ng old master, mapangkutyang tinignan ng nanay ni Jeremy si Madeline. "Kung matalino ka, magkusa ka dapat na magmungkahi ng divorce at huwag nang sumagabal sa kasalan ni Jeremy at Meredith."
Napakamapangmata niya at ang baba ng tingin niya kay Madeline.
"Pinatay mo na nang isang beses ang anak ni Meredith. Kung may konsesya ka, kaagad mo na dapat hiwalayan si Jeremy."
Unti-unting naunawaan ni Madeline ang nangyayari. Tinignan niya si Jeremy. Umupo siya sa isang tabi at di nagsalita. Halatanh ito ang kanyang binabalak.
Gusto niyang humalakhak nang malakas. Matapos pag-isipan ito nang matagal, napagtanto na niya na wala silang lakas ng loob na suwayin ang old master kaya gusto nila na siya ang magmungkahi na makipaghiwalay.
Pagkatapos, sakto ang dating ni Meredith habang dala ang isang batang lalaki na namumula ang pisngi.
Kumirot ang puso ni Madeline. Nang tignan ang mapula at maamo nitong mukha, naalala niya ang anak niyang babaeng namatay.
Tinignan niya ang batang nakatayo sa tabi ni Meredith at pakiramdam niya parang sinaksak ng kutsilyo ang puso niya.
Kung di lang namatay ang ansk niya, ganito na sana ito katanda ngayon.
Biglaan nagkaroon ng matinding pag-aalinlangan sa kanyang puso.
Nang makita ang nagdidiwang na mukha ni Meredith, ngumit si Madeline. "Bakit naman ako magkukusa na makipaghiwalay?"
Nang tanungin niya ito, napawi ang ngiti sa mukha ni Meredith.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman