Dapat ba siyang bumalik sa kanya?
Iniangat ni Madeline ang kanto ng kanyang labi at ngumit bago malambing na sabihin, "Sige."
Pagkatapos niyang magsalita, lumingon siya at tumingin kay Meredith. Sa sandaling ito, kasing itim ng uling ang mukha ni Meredith at medyo mahigpit na nakatikom ang kanyang labi. Inis na inis siya na halos durugin na niya ang kanyang mga ngipin.
Subalit, ang pagkasalungat ng kanyang itsura ang pinaka ikinatuwa ni Madeline. Malapit na siyang sumabog, ngunit ayaw niya pa ring sirain ang imahe niya bilang isang mahinhin at mapagmahal na babae.
Nakita ni Madeline na palapit si Jeremy kay Meredith. Siguradong balak niyang damayan ang mapagpanggap na pokpok na ito.
Mula sa malayo, nakita no Madeline na hawak ni Meredith ang kanyang anak habang kaawa-awang lumalapit kay Jeremy.
"Jeremy, takot na takot ako na baka saktan ulit ako ni Maddie pati ang anak natin. Nasa kulungan siya sa loob ng tatlong taon, at mukhang mas malaya na siya ngayon." Reklamo ni Meredith kay Jeremy.
"Jeremy, di mo naman kinalimutan ang pinangako mo sa akin noong bata pa tayo diba? Sinabi mo na pakakasalan mo ako at iingatan mo ako habang-buhay."
Inakala ni Madeline na wala na siyang pake kahit na lumapit pa si Jeremy sa ibang babae, ngunit ang makita lamang sila na nag-uusap nang ganito kalapit ay parang may dumudurog na sa puso ni Madeline. Halos hindi na siya makahinga.
Subalit, hindi siya naniniwalang pagmamahal ito. Ito ay purong galit.
Kinamuhian niya ang magkasintahan. Pinatay nila ang kanyang anak sa makasarili at malupit na paraan ngunit napakasaya at panatag pa rin nila.
Hindi niya hinintay na bumalik si Jeremy. Tumawag siya ng cab sa tabi ng kalsada at umalis nang hindi lumilingon.
Hindi nagtagal, nakatanggap si Madeline ng tawag mula kay Jeremy. Kahit na pinalitan na niya ang kanyang numero at hindi kinuha ang numero nito, ang mga numerong kabisado na niya sa kanyang puso ay parang mga karayom na tumutusok sa kanyang mga mata.
Hindi sumagot si Madeline at nakatatlong tawag si Jeremy. Pinanood lang ni Madeline na umilaw ang screen bago ito muling dumilim. Nakaupo siya sa loob ng taxi at tila ba nakikita niyang lumiliwanag at dumidilim ang kanyang buhay nitong nakaraang mga taon. Sa huli, napunta siya sa isang buhay na puno ng dilim.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman