Sa totoo lang, balisa at hindi pa rin mapalagay di Madeline. Sa kasalukuyan niyang lakas, di niya malalabanan si Meredith.
Higit pa rito, di niya mabasa kung ano ang ugali ni Jeremy sa kanya.
Nang pinag-iisipan niya ito, may gumalaw sa may hallway.
Tumingala si Madeline nang matanaw niya ang matayog at eleganteng katawan ni Jeremy.
Di pa tumitigil ang ulan, at ang karaniwang malamig na temperatura ay mas lumamig dahil sa ulan.
Napatingin siya at nagtagpo ang mata nila ni Madeline. Napakalalim ng kanyang mga mata. Pata bang lulubog siya sa mga mata nito sa isang tingin lang.
Hindi maipaliwanag na tumalon ang puso ni Madeline. Nang iiwasan niya ang titig nito, nakaramdam siya ng bugso ng hangin sa tabi niya.
Hinawakan ni Meredith ang gilid ng kanyang mukha at tumakbo papunta kay Jeremy habang lumuluha. Pagkatapos ay tumanday siya sa dibdib nito.
"Jeremy…" nanginig ang kanyang boses na parang lubusan siyang inalipusta.
Ayos.
Magsisimula na namang umarte ang mapagpanggap na pokpok na ito.
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Madeline sa pagkaaliw. Sawang-sawa na talaga siya dito.
Nanatili ang titig ni Jeremy sa mukha ni Madeline sa loob ng ilang segundo bago damayan si Meredith. "Anong nangyari?"
Napakabait pakinggan ng boses niya, ngunit di niya pa kailanman ginamit kay Madeline ang tonong ito noon.
Tumanday si Meredith sa dibdib niya at umiling. "Kasalanan ko ang lahat ng ito. Walang kinalaman dito si Maddie. Jeremy, kung may gusto kang sisihin, sisihin mo na lang ako na nahulog ako sa maling oras. Wag mong pilitin si Maddie na hiwalayan ka. Ikinatatakot ko na kapag nagpatuloy ito, sasaktan na talaga ako ni Maddie at pati so Jack. Di ako makakapayag na may manakit pa sa anak natin."
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman