Inosente at mahinhing kumurap si Meredith, mahinahon at mahina ang kanyang boses.
Subalit, tila ba bulag ang mga kalalakihan sa pinakahalatang pagpapanggap. Ang palabas na ganito ay napakaepektibo sa mga lalaki.
Alam ni Madeline na papayag si Jeremy nang hindi ito pinag-iisipan. Sandali lang, nakita niya itong tumango. "Dumito ka muna kung ganon."
Talaga naman.
Natatawa si Madeline dito, at ramdam niya ka nanghahamon siyang tinitignan ni Meredith mula sa sulok ng kanyang mga mata.
Subalit, ilang segundo lamang nagdiwang si Meredith sa sandaling makita niya si Jeremy na sumulyap kay Mrs. Hughes. Iniutos niya, "Maghanda ka ng isang guest room para kay Miss Crawford."
Hinihigop ni Madeline ang kanyang sabaw at halos masamid siya nang marinig niya ito.
Ang nagdidiwang na mukha ni Meredith ay halos tuluyang maglaho sa isang iglap.
Anong kalokohan ito?
Di ito mapaniwalaan ni Meredith. 'Ako ba ang Miss Crawford na tinutukoy niya?'
Nang pag-isipan niya ito, pakiramdam nito Madeline na di ito tama.
Paanong pababayaan ni Jeremy ang pinakamamahal niya?
Subalit, talagang si Meredith ang tinutukoy niya.
Nang makita na sinusubukan ni Meredith na panatilihin ang mahinhin at mabait na imahe habang malapit nang pumutok ang mga ugat niya sa noo, labis na natuwa si Madeline.
Subalit, di niya inisip na balak talaga ni Jeremy na pabayaan si Meredith. Siguro nahihiya siya na dalhin dito ang lihim niyang relasyon kay Meredith habang nandito ang kasambahay.
Subalit, di nagtagal matapos bumalik ni Madeline sa kwarto, dumating si Jeremy.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman