“Hindi! Jeremy...”
Namumutla na ang mukha ni Madeline sa takot. Hindi siya makakilos sa ginagawa ni Jeremy.
Hindi niya pa nakikita ang malamig at bayolenteng bahagi ni Jeremy dati. Natatakot siyang mawala ang anak nila sakaling masaktan siya nito nang todo.
Subalit, hindi siya hinayaang makatakas ni Jeremy. Kinulong siya nito sa kanyang mga bisig.
Hindi niya inakalang ganito ang galit ni Jeremy sa kanya.
Matapos ang napakahabang sandali, nakaramdam lang si Madeline ng sakit sa kanyang buong katawan. Sunod doon, nakatulog siya nang malalim, at sa kanyang panaginip, nabalik siya sa sa araw na nakilala niya si Jeremy, labindalawang taon ang nakararaan.
Maaliwalas ang sinag ng araw sa dalampasigan noon at mayroong isang puno ng alkampor.
Namumulot ng mga kabibe ang batang si Madeline. Tinignan niya ang isang tahimik na lalaking nakaupo sa malayo. Ang lungkot ng mukha nito.
Dito niya unang nakilala si Jeremy. Labindalawang taon pa lamang ito subalit napakagwapo na nito, matangkad at payat ang katawan.
Yun nga lang, napakalungkot ng itsura niya.
Maingat siyang nilapitan ng batang si Madeline habang walang saplot sa paa. Binigyan niya ito ng isang kabibi matagal niyang nahanap at may iba-ibang kulay.
“Hello, para ito sa iyo. Sana maging masaya ka habambuhay.”
Sa pagkakataong iyon, tumingin si Jeremy gamit ang dulo ng kanyang mga mata. Puno ng pag-iingat ang mga ito.
Nakasuot ito ng isang mamahaling tracksuit. Kahit ang kanyang sapatos ay limited edition rin.
Sa kabilang banda, nakasuot si Madeline ng isang damit na halos mamuti na sa kalalaba. Tila ba nagmula silang dalawa sa magkaibang mundo.
Kalaunan, iniabot niya ang kanyang kamay kay Madeline.
Nagkasalubong na naman sila sa sumunod na araw. Binigyan siya ni Jeremy ng isang baso ng milk tea at sinabing regalo ito bilang kapalit ng binigay niya kahapon.
Masaya itong tinanggap ni Madeline. Ito ang unang beses na makakatikim siya ng milk tea. Napakasarap nito.
Ganoon pa man, tinitigan siya ni Jeremy na tila ba mas matamis pa ang ngiti niya kaysa sa milk tea.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman