Hindi nila inasahang magpapakita si Madeline para sabihin ang mga bagay na iyon. Nanigas ang tatlong taong nasa kwarto.
Matapos ang ilang segundo, agad na nagbago ang mukha ni Meredith. Ang madalas nitong banayad at kalmadong ekspresyon ay nawala. Sa kabilang banda, nagmukha itong masama, “Madeline, bakit andito ka pa?”
Namumula ang mga mata ni Madeline. Tumawa siya nang pakutya at sinabing, “Hindi ba ito na ang oras para sumama ako sa planong ginagawa niyo?”
Napagtanto ni Meredith kung ano ang nangyari at lumubog ang kanyang mukha. “Sino ka para makinig sa usapan namin!”
Sabi ni Madeline, “Oo, nakinig ako, kung hindi ko narinig ang sinabi mo, hindi ko sana malalaman na ang mabuti ko palang kapatid ay walang hiya, at isang peke!”
“Sino ka para tawagin si Meredith nang ganyan, maldita ka! Naghuhukay ka lang ng sarili mong libingan!” Galit na inangat ni Rose ang kanyang kamay, sasampalin na naman niya sana si Madeline.
“Ma, bakit ba kayo nagagalit sa ignoranteng ito na walang magulang?” Napasinghal si Meredith at saka sumulyap kay Madeline. Kalmado ang itsura nito. “Mahal kong kapatid, para sa relasyon na mayroon tayo, mas magandang pumayag ka nang mag-divorce kayo ni Jeremy. Natatakot akong hindi mo kakayanin ang mga kapalit sakaling hindi ka pumayag.”
Hindi na pepekein ni Madeline ang kanilang relasyon na dati niyang pinapakaingatan. Matapos ang lahat, isang malaking pagpapanggap lang naman ito.
Tinignan ni Madeline si Meredith, at mas kalmado pa ito kaysa sa kanya. “Kung magmamakaawa ka sa akin ngayon, baka pwede ko pang pag-isipan.”
“Ano?” Nagbago ang ekspresyon ni Meredith, at saka niya Tinignan si Madeline na para bang nababaliw na ito.
“Maldita ka, siraulo ka ba?’ Napabulalas nang galit si Rose.
Tawa nang tawa si Madeline matapos makita ang mukha ng mag-ina. “Oo, siraulp ako. Kaya, gagawin ko ang lahat para mapunta sa akin si Jeremy pati na rin ang posisyon ng pagiging Mrs. Whitman!”
“Madeline, huwag kang maging walang hiya!” Galit na galit si Meredith. “Hindi ko hahayaang makakatakas ka rito!”
“Nakatakas na ako. Ngayon alam ng lahat sa Glendale na ang Mrs. Whitman ay si Madeline Crawford at hindi ikaw.”
Pagkatapos sabihin iyan, tumalikod na si Madeline. Iniwan niya si Meredith na nagsisigaw sag alit. Ganoon pa man, hindi siya pinansin ni Madeline.
Matapos umalis ni Madeline sa ospital, nagpunta naman siya sa isa pa na para sa mga babae at bata.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman