Matapos iyon sabihin ni Tanner, napunit ang damit ni Madeline.
Sobrang namimilipit sa sakit sk Madeline sa puntong wala na siyang lakas na magpumiglas. Nang maisip niya na makakatakas dito si Tanner, may sumipa pabukas ng pinto at kumalabog nang malakas.
Gumewang muna sa gilid ang pinto bago bumagsak sa sahig.
Lumingon si Madeline at nakita ang gwapo ngunit nakakakilabot na mukha ni Jeremy na kahawig kay Satanas.
Nang magtagpo ang mga mata niya at ang mapanlinlang na titig nito, kinilabutan siya.
Naglakad palapit si Jeremy at hinila si Tanner na nakaibabaw kay Madeline palayo.
"Ang lakas ng loob mong dakpiin ang anak ko? Sawa ka na bang mabuhay?"
Sinuntok niya nang malakas si Tanner sa gilid ng mukha nito, kaya napahagulhol ito sa sakit. Natanggal ang isa nitong ngipin at nagsimulang bumuhosbang dugo mula sa kanyang bibig. Sinipa ni Jeremy si Tanner papunta sa sulok ng pader, at sa sandaling iyon, hindi na makabangon si Tanner sa sakit.
Matamlay na bumagsak sa sahig si Madeline. Sinibukan niyang takpan ang hubad niyang katawan gamit ng kanyang sirang damit.
Nandidiring sumulyap sa kanya si Jeremy. "Madeline, mas lalo ka nang gipit kumpara noong dati."
Nasusuklam itong tumingin sa kanya bago maglakad papasok sa kwarto sa loob ng bahay.
Makalipas ang isang sandali, bibitbit niya ang natutulog na si Jackson palabas ng kwarto.
Nang makita ni Madeline na maayos ang lagay ni Jackson, nakahinga siya nang maluwag. Subalit mapagbanta pa ring tumitig sa kanya si Jeremy. Kaagad siyang nabahala muli.
Nagmamakaawa siyang tumingin dito para makuha ang tiwala niya. "Jeremy, wala akong kinalaman dito…"
Humagikhik ang lalaki, nakakatakot pakinggan ang boses niya. "Madeline, tingin mo ba bulag o bingi ako? Dapat kang mamatay."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya kasama si Jackson.
Bumangon si Madeline habang nanlamig ang buo niyang katawan. Pagkatapos, tumakbo siya papunta sa tabi ng kotse.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman