Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 65

Sinabi ng lalaki ang kinaroroonan niya bago niya ibinaba ang tawag.

Agad na tinawagan ni Madeline si Jeremy, pero naisip niya na malamang ay blinock ni Jeremy ang number niya.

Pagkatapos, tiningnan niya ang blankong contact list niya. Ang tanging number na pwede niyang tawagan ay ang kay Old Master Whitman.

Subalit, pagkatapos niyang mag-isip-isip, hindi na tinawagan ni Madeline si Old Master Whitman.

Tumatakbo ang oras, at wala na ring ibang pagpipilian si Madeline. Tumawag siya ng taxi at binigay ang address sa driver.

Mukhang mabait ang driver. Noong makita niyang namumutla at may iniindang sakit si Madeline, binalak niyang dalhin sa ospital si Madeline. Pagkatapos siyang pasalamatan at tanggihan ni Madeline, nagpatuloy sila sa kanilang destinasyon.

Pagkalipas ng kalahating oras, nakarating si Madeline sa lokasyon na binigay ng lalaki sa kanya.

Ito ay isang liblib na lugar na pinaliligiran ng mga bundok at anyong tubig. Maraming puno na naninilaw na ang mga dahon sa paligid nito.

Umihip ang malamig na hangin. Nanuot sa kanyang katawan ang matinding lamig.

Nanginig si Madeline, hindi pa rin nawawala ang pananakit ng tumor na nasa kanyang tiyan.

Subalit, nang maisip niya ang kaligtasan ni Jackson, tiniis niya ito at nagpatuloy.

Sinundan niya ang daanang gawa sa graba at naglakad ng halos 100 metro hanggang marating niya ang isang bahay.

Noong malapit na siya sa bahay, nadulas siya at nadapa.

Nahiwa ng mga bato ang kanyang mga palad. Inalis niya ang batong bumaon sa palad niya at pinilit na tumayo.

Hindi maikukumpara ang mga sugat na yun sa tindi ng sakit ng kanyang tumor. Dagdag pa dito, hindi maikukumpara ang lahat ng ito sa matatalim na titig at pagbabanta ni Jeremy.

Kinaladkad ni Madeline ang pagod at basang katawan niya hanggang marating niya ang bahay.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman