Biglang tumahimik sa loob ng kotse. Mapait na tumawa si Madeline sa pagod.
"Jeremy, kahit na hindi ka maniwala sa akin, paano naman si Lolo? Isa siyang wais na tao at maraming karanasan sa buhay. Kung ganon ako kasamang tao, edi bakit siya pumayag na pakasalan kita? Bakit niya ako aalagaan at malamig ang pakikitungo niya kay Meredith?"
Inakala niya na pag-iisipan ito ni Jeremy, ngunit sa sandaling tumigil siya sa pagsasalita, tumawa ito.
"Alam na alam mo kung bakit mo ako napakasalan at bakit malamig ang pakikitungo ni Lolo kay Meredith."
Halatang sinasabi nito na palihim nagsisimula ng hidwaan si Madeline sa pagitan ni Old Master Whitman at Meredith.
Subalit di niya naisip na kung gaano kalaling problema ang isang babaeng tulad ni Meredith na ginustong maging isang kabit.
"Madeline, tama na ang pag-arte. Dadalhin kita kay Lolo ngayon na. Ipapakita ko sa kanya ang tunay mong pagkatao."
Malungkot na ngumiti si Madeline. Ayaw na niyang magpaliwanag pa.
Ang pagkatao niya ay naging isang kasinungalingan ka kasuklam-suklam at hindi na maisasalba.
Dinala pabalik ni Jeremy si Madeline sa Whitman Manor at pwinersa siyang pumunta sa sala kasama nito.
Nakaupo nang matikas si Old Master Whitman sa harapan nila. Mukhang malumanay ito.
Naluluhang umupo si Meredith sa tabi habang dinadamayan ito ng nanay ni Jeremy.
Nang makita ng nanay ni Jeremy si Madeline, tumayo ito at tinuro siya.
"Madeline, bakit ang sama sama mong pokp*k ka? Nagagawa mo pang saktan pati bata. Anong nagawa sayo ni Meredith? Bakit mo yun ginawa sa kanya?"
Tinuro ng nanay ni Jeremy si Madeline at nagsimulang sumigaw.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman