Tumigil si Meredith sa nakakaawa niyang pag-arte at naiilang na tumingin kay Old Master Whitman.
Malumanay ang mukha ng old master at ang asal niya ay marangal. "Isa kang babaeng nangialam sa kasal ng iba at nagluwal ka pa ng isang anak sa labas nang buong tapang. Di ka lamang walanghiya sa ginawa mo, sa halip ay ipinagmamalaki mo pa. Walang granddaughter-in-law ang mga Whitman na walang respeto at pagmamahal sa sarili."
"..." kumirot ang sulok ng labi ni Meredith nang mababasag na ang peke at mahinhin niyang maskara.
Tila ba hindi niya inasahan na ganito ang tingin sa kaya ng old master.
Kaya pala ayaw sa kanya ng old master.
Nakita ni Madeline si Meredith na tinitikom ang kanyang mga kamao. Nahihirapn itong panatilihin ang kanyang pagpapanggap, subalit, hindi pa rin niya maibaba ang kanyang mahinhin na maskara.
"Ama, wag mong sabihin yan. Si Madeline ang naunang nangialam sa kanilang dalawa. Siya ang kabit! Kung di siya namagitan sa dalawa para pagplanuhan si Jeremy, kasal na sana si Mer at Jeremy ngayon! Atsaka, dinakip niya pa si Jackson. Di niyo ito pwedeng balewalain!"
"Hindi ko dinakip si Jackson. Di ko din plinano ang nangyari noong nakaraang tatlong taon. Ako ang biktima sa insidenteng iyon." Sinubukang magpaliwanag ni Madeline.
Tinitigan siya nang masama ng nanay ni Jeremy. "Umamin na ang Tanner na yun sa lahat tungkol sa pagkakadakip kay Jackson at ang lakas pa ng loob mo na sabihing di mo yung ginawa? Halatang pinagplanuhan mo si Jeremy noong nakaraang tatlong taon dahil minahal mo siya sa loob ng matagal ng panahon ngunit di mo siya makuha.
"Kung di mo pinagplanuhan si Jeremy, edi bakit siya nakipagtalik sa iyo? Nakuhanan pa kayo ng mga reporter. Plinano mo yun lahat! Madeline, ikaw ang pinakamasama at pinakamababang babae na nakilala ko!"
"Sinuhulan si Tanner para gawin ito. Di ko siya kilala." Nang sabihin ito ni Madeline, tinignan niya si Meredith. Pagkatapos nito, tumingin siya kay Jeremy. "Oo, gustong-gusto ko si Jeremy, pero di ako gagawa ng ganun kasamang bagay para makuha ang isang lalaki dahil lang sa gusto ko ito."
Tinignan niya si Jeremy, ang titig niya ay mahinahon. Pagkatapos, mapait siyang ngumiti.
"Subalit, nauunawaan ko nang malinaw ang lahat."
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman