Hindi inasahan ng lahat sa kwarto na magtatanong nang ganito ang old master, maging si Madeline.
Ang maayos na tibok ng puso ni Madeline ay muling tumaas sa isang iglap. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong.
Nakita ni Old Master Whitman ang namumulang mukha ni Madeline at naunawaan niya.
Mahinahon siyang ngumiti at itinaas ang kanyang ulo para tumingin kay Jeremy. Pagkatapos, mahinahon siyang tumingin kay Meredith at sa nanay ni Jeremy na mga mukhang naiilang.
"Walang may karapatang sumira ng kasal na ito hangga't nandito pa ako!" Seryosong ipinahayag ng old master.
Nakita ni Madeline na ang mukha ni Meredith ay kasindilim ng uling at napakalagim. Naisip niya na siguro minumura na nito ang old master gamit ng lahat ng murang maisip nito.
"Miss Montgomery."
Ganito ang tawag ng old master kay Meredith dahil siya na ang dalaga ng Montgomery ngayon.
Pinilit ni Meredith na ngumiti. "Opo, Old Master Whitman."
"Naniniwala ako na di dinakip ng aking grandaughter-in-law ang iyong anak. Kung pinipilit mo na siya ang may gawa nito, edi dapat makiusap ka sa isang tao na kausapin ang aking mga abogado."
"..." nanigas ang ngiti ni Meredith sa isang iglap.
Di niya inasahan na dedepensahan nang ganuto ng old master si Madeline!
Sobra na ito!
Paulit-ulit niyang tinatawag si Madeline na kanyang granddaughter-in-law, kaya nagseselos si Meredith na nagulo na nang sobra ang mukha nito.
Nagulantang din ang nanay ni Jeremy. "Dad, nalilito ka ba? Andaming kasamaan na ang ginawa ni Madeline. Paano mong-"
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman