Nakakita si Madeline ng isang pares ng mamahaling itim na sapatos na gawa sa balat at isang pares ng mahahaba at balingkinitang mga binti. Itinaas niya ang kanyang ulo, at sa kanyang nanghihinang kalagayan, nakaaninag siya ang isang pamilyar na mukha bago siya mawalan ng malay.
Nang magising si Madeline, natuklasan niya na nasa ospital siya. Nakabantay sa kanyang tabi si Ava.
Nakita ni Ava na gising na siya pero hindi pa rin gumagaan ang kanyang loob. "Maddie, hindi mo ba alam ang kondisyon ng katawan mo? Bakit ka lumabas sa ulan at napunta sa ganitong sitwasyon?"
Nakita ni Madeline na mangiyak-ngiyak na si Ava. Namumula ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang mga labi.
"Gising na ako, hindi ba?" Ngumiti si Madeline. Subalit, naramdaman niya na baka lumala na ang kanyang katawan. Ayaw na niya itong isipin pa.
Naalala niya kung paano niya ginastos ang natitira niyang buhay para sabihan ng masama si Jeremy kanina. Siguro dahil matatapos na rin ang kanyang buhay kaya nakakatawa na lang para sa kanya ang mangako ng brutal na kamatayan.
"Sinong nagdala sa'kin dito?"
Naalala ni Madeline ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Medyo naaalala niya na nakakita siya ng isang pamilyar na mukha.
"Hindi ko alam. Ang sabi ng nars isa siyang gwapo at matikas na lalaki. Tama, maganda rin ang kanyang boses. Siya ang tumawag sa'kin para puntahan ka dito gamit ang phone mo," sabi ni Ava na mukhang interesado. Tinulak niya ang balikat ni Madeline. "Madeline, 'di kaya manliligaw mo ’yun?"
Tumawa si Madeline. "Paanong magkakaroon ng manliligaw ang isang babaeng kagaya ko?"
"Anong mali doon? Napakaganda at napakatalentado mo. Maraming lalaki ang nakapila sa'yo. Nabulag ka lang sa pag-ibig kaya mahal mo pa rin ang basurang lalaking iyon."
Mahal pa rin ba niya si Jeremy?
Nakatulala pa rin si Madeline.
Pagkatapos niyang magpahinga ng ilang araw, nanumbalik na ang lakas ni Madeline.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman