Nang naisip ni Madeline na hindi siya makakailag, isang matangkad at matikas na anyo ang lumitaw sa kanyang harapan.
Tumapon ang kape ni Meredith sa bagong plantsang damit ng lalaki.
Napakabilis ng pangyayari na sina Madeline at Meredith ay parehong nagulat.
"Miss, pwede kitang kasuhan ng assault dahil lang sa ginawa mong pagtapon ng mainit na kape sa ibang tao," sabi ng lalaki. Malalim at suwabe ang kanyang boses, parang red wine sa kanilang tainga. Hindi kagaya ng sa iba ang kanyang tindig.
Tinignan muna ni Meredith ang mukha ng lalaki bago mayabang na nagsalita pagkatapos niyang matauhan, "Tsk! Tinatakot mo ba ako? Eh ano naman ngayon kung sasaktan ko siya? Sasaktan ko talaga yang p*ta na 'to. Bakit ka biglang humarang?"
"Si Miss Crawford ay empleyado ko. Bilang kanyang superior, mayroon akong responsibilidad na protektahan ang aking staff."
Nang marinig ito ni Madeline ay sobra ang gulat niya.
Nang may sasabihin sana siya, nagtagpo ang kanyang mata at ang mga malalim na mata ng lalaki. Nabigla siya dahil pakiramdam niya ay pamilyar ito.
"Haha." Humagalpak si Meredith. "Talagang tinanggap mo ang babaeng ito? 'Di mo ba siya kilala? Siya ang plagiarizing b*tch na kilala ng buong Glendale! Wala sa mga jewelry company ang gustong tanggapin siya sa trabaho. Kapag ginawa nila 'yon, makakalaban nila ang mga Whitman at mga Montgomery!"
Walang pakialam ang lalaki sa mga pagbabanta ni Meredith. "Ang mga Montgomery? Mga Whitman? Hintayin mo na lang ang liham galing sa abogado ko. Titiyakin ko na malaman kung bakit ka biglang nananakit ng ibang tao."
Pagkatapos nito itong kalmadong sabihin, tinignan niya si Madeline. "Sumama ka sa'kin."
Tinignan ni Madeline si Meredith na mukhang gulat na gulat bago sinundan ang lalaki.
Hindi inaasahan ni Meredith na mabibigyan siya ng leksyon. Binato niya ang baso ng kape sa lapag at tumakbo para magsumbong kay Jeremy.
Tinitigan ni Madeline ang lalaking kanyang katabi nang sila ay nasa elevator.
Sita ay matangkad at mayroong magandang anyo. Mayroon siyang ere ng isang dakila at malalapitang pinuno.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman