Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 74

Ano?

Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang narinig.

Parang ilusyon nga ang pagtawag sa kanya ni Jeremy bilang asawa, pero ang mas nagpagulat sa kanya ay kung ano ang tinawag nito sa kanyang boss.

Uncle?

Hindi niya alam ang pangalan ng taong tumulong sa kanya ng dalawang beses. Alam niya lang ay tinatawag siyang Mr. Whitman ng mga nagtatrabaho roon.

Subalit, hindi ito masyadong pinag-isipan ni Madeline noong mga oras na iyon. Napakaraming tao ang magkakaapelyido sa buong mundo. Kaya hindi niya inaasahan na tito pala siya ni Jeremy.

Mabagal na lumabas si Felipe Whitman mula sa kanyang kotse at nagtatakang tumingin kay Madeline. "Kung ganoon, ikaw ang asawa ni Jeremy?"

Binuka no Madeline ang kanyang bibig pagkatapos niyang matulala. "Sa ngayon."

Nanlumo ang mukha ni Jeremy nang marinig niya ang sagot ni Madeline.

"Sa ngayon?" Naging interesado si Felipe sa kanyang sagot. Tinignan niya si Jeremy nang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. "Kung ganoon, hindi kita pipigilan na sunduin pauwi ang asawa mo."

Sumakay muli si Felipe sa kanyang kotse bago tumingin kay Madeline. "Tandaan mo na pumasok sa trabaho bukas. Naniniwala ako sa kakayahan mo, malayo ang mararating mo sa industry."

"Salamat, Mr. Whitman. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko." Matapat siyang pinasalamatan ni Madeline. Subalit, bago siya matapos na magsalita, hinila siya ni Jeremy at sinakay sa kotse.

Pagkatapos umandar ng kotse ay nagsalita si Jeremy, "Madeline, kakaiba ka talaga. Papatulan mo ba ang lahat ng lalaki sa Whitman family? Talagang namumulat ako sa mga ginagawi mo bilang isang babae."

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman