Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 78

Tinitigang maigi ni Jeremy si Madeline. Tila biglang naglaho ang galit sa mga mata niya.

Lumapit siya kay Madeline. Pagkatapos, hinawi niya ang buhok ni Madeline. Naging mahinahon at malambing ang tono niya nang magsalita siya. "Sabi mo pinagbubuntis mo ang anak ko bago ka nakulong. Anong nangyari sa bata?"

Ayos lang sana kung hindi siya nagtanong. Subalit, noong sandaling tinanong niya ito kay Madeline, tila muling bumuka ang mga sugat sa puso ni Madeline. Nagdurugo ng husto ang kanyang sugatang puso.

Natatawa siyang tumingin kay Jeremy. "Gaya ng sabi mo, Mr. Whitman. Patay na siya, kaya bakit ka pa magtatanong? Mabubuhay ba siya kapag nagtanong ka?"

"Madeline, sagutin mo 'ko."

Tumingin si Jeremy kay Madeline na may pekeng ngiti sa kanyang mukha. Para bang pinipilipit ng husto ang puso ni Madeline.

"Mr. Whitman, ang galing mo talagang magpahirap ng tao." Nang-iinsultong ngumiti si Madeline, mapula ang mga mata niya at patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi na niya maaninag ang mukha ni Jeremy. "Jeremy, ilang taon na ang dumaan. Matitiis ko yung pagsigaw mo sakin, yung pananakit mo, o yung galit mo. Pero, alam mo ba yung pinakamasakit sa mga ginawa mo sakin?"

"Binigyan mo 'ko ng pag-asa. Pero, sa huli, ako lang pala yung nag-iisip nun, at buong buhay ko, binigay ko yung pagmamahal ko sa isang taong kailanman ay hindi ako mamahalin. Ikaw yung tumatawag sa pangalan ng ibang babae kapag nasa kama tayo. Ikaw rin yung nag-utos na kunin ang anak natin at sunugin siya."

Pagkatapos niyang sabihin yun, natahimik ang buong paligid.

Dinig na dinig niya ang tibok ng mga puso nila ni Jeremy. Mabagal ang tibok ng kanilang mga puso at tila hindi nagkakasabay ang mga ito. Kung sabagay, paano nga naman magsasabay ang tibok ng mga puso nila?

Hinayaan niyang bumuhosbang kanyang mga luha habang inaalala niya ang mga pangako nila sa isa't isa noong mga bata pa sila. Ngumiti si Madeline at humikbi. "Jeremy, hindi ko itatanggi na may nararamdaman pa rin ako para sayo. Pero, hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sayo, kundi galit. Galit ako sayo."

"Jeremy Whitman, ayaw ko na sayo!" ang sabi ni Madeline. Tuluyan nang nasira at nasunog ang mga alaalang pinanghahawakan niya noon.

Kung may bagay man siya na hindi niya kayang iwan o kalimutan, iyon ay ang pagiging inosente niya noon. Naniwala siya noong sinabi ni Jeremy na papakasalan niya siya…

Ipinikit ni Madeline ang kanyang mga mata sa sobrang pagod. Napagod siya. Sa sobrang pagod niya ayaw na niyang magmahal pa.

Natulala si Jeremy habang tinitingnan niya si Madeline. Pakiramdam niya ay tinutusok ng milyon-milyong karayom ang kanyang puso. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito.

Tumalikod siya at humiga sa tabi ni Madeline. Niyakap niya si Madeline, subalit para bang hindi niya mabigyan ng init si Madeline kahit na magkadikit ang kanilang mga balat.

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman