Ngumiti si Madeline. Paalis na sana siya nang makita niyang nakatingin sa kanya si Jeremy. "Mag-almusal ka muna."
Ano?
Hindi makapaniwala si Madeline sa kanyang narinig.
Kailan pa siya natutong makipag-usap ng maayos sa kanya at kailan pa ba siya nakakain ng kasama siya, lalong-lalo na sa agahan?
"Madam, nakahanda na po ang almusal niyo." Ngumiti si Mrs. Hughes kay Madeline.
Pagkatapos niyang mag-alinlangan sandali, lumapit na rin si Madeline para kumain.
Tiningnan niya ang hapagkainan. May nakahaing cereal at toast at pati na rin ang tinapay na gawa mismo ni Mrs. Hughes. Gusto ni Madeline ang ganitong almusal.
"Umupo ka dito." Hinila ni Jeremy ang bangko sa tabi niya.
Tumingin si Madeline sa kanya at sinabing, "Hindi, masyadong malapit. Baka madumihan kita, Mr. Whitman."
Pagkatapos, umupo siya sa bangko na salungat sa inuupuan ni Jeremy.
Agad na dumilim ang mukha ni Jeremy. Para bang may nagbabadyang bagyo.
Kinabahan si Madeline nang makita niya ang reaksyon ni Jeremy. Yumuko siya para kumain ng cereal at nanahimik na lamang.
Tumingin si Jeremy kay Madeline at suminghal. "Talagang ayaw mo nang makasama ang asawa mo ah. Hindi ka na ba makapaghintay na makita yung lalaking yun?"
Yung lalaking yun?
Napahinto si Madeline. Naguluhan siya at napatingin sa mga mata ni Jeremy.
"Madeline, di ba sinabi mo ako lang ang mamahalin mo sa buhay na 'to? Patapos na ba ang buhay mo ngayon?"
Nagtagumpay siya sa pang-iinis niya kay Jeremy.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman