Napakalamig ng panahon.
Sa sobrang lamig agad na nagyelo ang puso ni Madeline.
Subalit, umaasa siya na sana mas lumamig pa. Mas maganda kung sa sobrang lamig ay mamanhid na ang kanyang buong katawan.
Para hindi niya siya makaramdam ng sakit kailanman, sa katawan man o maski sa kanyang puso.
Nakita ni Jeremy na hindi man lang nanlalaban si Madeline. Kaya tumigil siya sa ginagawa niya at hinila si Madeline habang nanginginig ito.
Nakita niya na kasing puti ng niyebe ang kanyang mukha at walang kahit na anong kulay dito. Mukha siyang isang manyika na tinanggalan ng dugo mula sa katawan nito. Ang natitira na lang ay ang panlabas nito.
Biglang nakaramdam ng takot si Jeremy. "Madeline, Madeline…"
Tinatawag niya ang kanyang pangalan pero hindi siya sumasagot.
"Madeline, 'wag kang magpanggap na patay! Ang sabi ko magsalita ka!" Napakabilis ng tibok ng puso ni Jeremy na pakiramdam niya ay sasabog siya. Bumalot sa kanya ang isang takot na kahit kailanman ay hindi pa niya naramdaman.
Nang makita niya na hindi kumikibo si Madeline, binuhat niya ito at nilagay sa kama.
Nagmadali siya para kumuha ng malinis na damit pamalit, pero lumingon siya at nakita niyang umupo si Madeline.
Pakiramdam ni Jeremy ay nadaya siya. Binato niya ang mga damit sa lapat at sumugod para hablutin ang kwelyo ni Madeline.
"Madeline, nagpapanggap ka lang pala talaga!"
Sigaw niya sa gitna ng kanyang nakatikom na ngipin.
Mahigpit na hawak ni Jeremy ang nanginginig na katawan ni Madeline. Kung hindi siya hinahayaang makatulog ng sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan, malamang ay hindi na siya magigising.
"Sabihin mo sa'kin, sabihin mo sa'kin kung may relasyon kayo ni Felipe! Kung hindi, base sa kanyang pagkatao, bakit siya magbibigay ng atensyon sa mga ginagawa mo?"
Nakakatawa ang mga tanong ni Jeremy para kay Madeline.
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman