Pagkatapos niyang sabihin ito, pakiramdam niya ay para bang nagyelo ang hangin sa paligid nila.
Tumayo si Jeremy sa ibabaw ng babae. "Anong sabi mo? Ulitin mo ang sinabi mo."
"Mag-divorce na tayo." Ulit ni Madeline nang walang pag-aalinlangan. Malinaw ang tatlong salita na iyon.
Nanahimik muli ang paligid. Pagkatapos ng ilang segundo, narinig ni Madeline si Jeremy na suminghal. Ang kanyang mga mata ay parang kay Satanas. Madilim ito at para bang lalamunin siya nito.
"Divorce? 'Wag ka nang umasa!"
Ang mga malalamig at tagos-butong salitang iyon ay lumabas mula sa kanyang mapang-akit na labi.
"Hindi ba napakadesperado mo na maging akin? Tutuparin ko ang hiling mo."
Nararamdaman ni Madeline na nagugunaw ang kanyang sarili habang nakatingin sa kanyang malagim na ngiti.
"Hindi ko kailangang tuparin mo ang aking hiling! Jeremy Whitman, gusto na kitang hiwalayan!"
"Managinip ka na lang." Walang awa siyang tinanggihan ni Jeremy. Pagkatapos ay kinurot niya ang panga ni Madeline. "Gusto mo akong hiwalayan dahil meron ka nang ibang lalaki? Madeline, gaano ba kakapal ang mukha mo?"
'Madeline, gaano ba kakapal ang mukha mo?'
Napakalinaw ng kanyang mga insulto. Mas naging malagim ang kanyang mga mata kumpara kanina.
"Ang sabi mo ipinagbubuntis mo ang anak ko tatlong taon na ang nakakalipas at sinisi mo ako sa kamatayan ng bata. Ngayon, naisip ko na baka buntis ka sa isang bastardo noon! Lalo na marami kang customers. Mayroon ka ngang Daniel at Tanner. Napapaisip nga ako kung kilala mo pa nga kung sino ang ama ng bata!"
Pinipigilan ni Madeline ang kanyang emosyon sa abot ng kanyang makakaya, pero ngayon ay nagsimula itong magunaw.
Nanginginig nang matindi ang kanyang mga kamay. Pakiramdam niya ay para bang tinaga ang kanyang puso. Napakasakit nito.
Nagngitngit ang kanyang ngipin habang ang kanyang mapupulang mga mata ay nakatingin sa lalaking nangmamaliit sa kanya.
"Hmph."
Suminghal si Jeremy bago siya tinignan nang may pagkamuhi. Pagkatapos ay naglalakad siya papalayo.
"Huwag mong subukang magmukhang kawawa sa harapan ko. Ang isang babaeng katulad mo ay nararapat na binubugbog hanggang sa mamatay sa loob ng kulungan."
Comments
The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman