Login via

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman novel Chapter 93

Aroganteng tumingala si Madeline para tingnan si Madeline. Malamang ang galit niya ay dulot ng kahihiyan mula sa ginawa ni Jeremy nitong hapon.

Bahagyang humagikhik si Madeline. "Eh bakit ka nagagalit kung sigurado kang naglalaro lang siya nung hinalikan niya ako? Bakit ka pa gagastos ng malaking pera para lang utusan ang ibang tao na padalhan ako ng mga mensaheng yun?"

"Ikaw…" Namuo ang mga salita sa lalamunan ni Meredith, at di na niya ito masabi.

Napagtanto ito ni Madeline. "Yan ang dahilan bakit mo ako pinatawag sa mga utusan ng Whitman? Para saan at pinapunta mo ako dito?"

"Importanteng bagay malamang." Naging malagim ang ngiti ni Meredith nag bigla niyang hablutin ang braso ni Madeline, at mabagsik ang mga mata niya. "Bakit di ka na lang lumayo Madeline? Ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na akin lang si Jeremy? Alam mo na dapat ngayon kung anong mangyayari kapag inagaw mo ang lalaki ko.

"Nakalimutan mo na ba kung bakit ka nabilanggo? Nakalimutan mo na ba kung paano pinatay ni Jeremy ang anak sa labas sa tiyan mo para pagaanin ang loob ko? Nakalimutan mo na din ba kung paano namatay ang lolo mong may sakit sa pag-iisip"

Naging malademonyo ang ngiti ni Meredith sa paningin ni Madeline.

Pagtingin sa masamang ekspresyon ni Meredith, napuno ng masasakit na imahe ang isipan ni Madeline. Lalo na nang mabanggit ang kamatayan nh kanyang Lolo.

"Ikaw…" Bumugso ang dugo sa ulo ni Madeline. "Meredith, pinatay mo si Lolo…"

"Di ko kasalanan na may nalaman siyang di niya dapat malaman." Binabaan ni Meredith ang kanyang boses, isang masamang tingin ang nasa mga mata niya.

Nangatog si Madeline. Nang gaganti na siya, itinulak siya ni Meredith.

Sa gulat, nangatog paatras si Madeline at napansin na pinulot ni Meredith ang kutsilyo na nasa ibabaw ng lamesa.

Inakala ni Madeline na susugurin siya ni Meredith, pero nabigla siya nang makita niya na itinutok ni Meredith ang kutsilyo kay Jackson na natutulog sa sofa.

Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. "Anong ginagawa mo Meredith?!" Sigaw niya, habang ang lakas ng kabog ng puso niya sa kanyang dibdib.

"Hmph. Gusto kong makita kung paano ka makakatakas dito, Madeline!" Habang nakatitig kay Madeline habang nagsasalita siya, biglang itinaas ni Meredith ang kutsilyo at hiniwaan ang mukha ni Jackson!

"Tigil!"

Kabanata 93 1

Kabanata 93 2

Comments

The readers' comments on the novel: Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman