Login via

Don't Let Me Go, Diana novel Chapter 6

HALOS mayanig si Diana sa lakas ng naging pagsampal sa kanya ni Margie nang parang galit na galit na sugurin siya nito sa classroom bago pa man magsimula ang klase. Buong buhay niya, wala pang gumawa niyon sa kanya.

Gulat na napatitig siya kay Margie.

"Slut! Matagal na akong nagtitiis sa 'yo dahil anak ka ng business partner ni Daddy. Pero hindi ko na 'to mapapalampas, Diana. Ano'ng pinakain mo kay Alexis, huh? You're the reason why he kept avoiding me! I saw him, first, Diana. You know that! Alam mong akin na siya pero sinulot mo pa rin! Mang-aagaw ka!" Akmang sasampalin siya uli ni Margie nang saluhin ni Alexis ang kamay nito na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

He gritted his teeth. "Nasa loob ka ng eskwelahan, Margie. Pero bakit parati kang umaaktong parang walang pinag-aralan?" Sandaling nilingon ni Alexis si Diana. "Ganito ba talaga rito, Diana? First, there's this Kurt guy claiming that you're his. And now, this woman here. This is getting really annoying. Masyadong mapag-angkin ang mga tao rito."

Bumalik ang mga mata ni Alexis kay Margie. Nagdidilim ang anyong diniinan nito ang palad ng babae bago binitiwan. "Walang inaagaw si Diana sa 'yo dahil kahit kailan, hindi ako naging sa 'yo. Ang akala ko, nalinaw ko na 'yan sa 'yo kagabing nagkita tayo. It sucks because I need to tell you this again today. And here I thought you were smart."

Napaatras si Margie nang humakbang ang binata palapit rito. "Don't mess with me, Margie. Alam mo kung gaano ako kagago. Anuman ang gawin ko, wala nang mawawala sa 'kin. Wala nang masisira pa sa akin. Sa 'yo, mero'n. Marami. Lay a finger on Diana again and I swear I will break you. Don't tempt me."

Bumuka ang bibig ni Margie pero mukhang sa huling sandali, nagdalawang-isip itong magsalita. Namumutlang tumalikod na lang ito at nagtatakbo palayo sa kanila habang nagpalakpakan naman ang mga nangangantiyaw na kaklase niyang nakapalibot na sa kanila ng binata nang mga oras na iyon.

Hinarap uli ni Alexis si Diana. Nag-aalalang hinawakan nito ang kanyang mga pisngi. "I'm sorry." Rumehistro ang pagsisisi sa gwapong anyo nito. "Ilang beses na akong kinukulit ni Margie. Kagabi, sinundan niya ako hanggang sa bahay namin. Tinapat ko na siya. Akala ko nagkaintindihan na kami. Hindi ko naman alam na may pagka-slow pala 'yon. I never thought this would happen."

Hindi siya nakapagsalita. Buong suyong hinalikan siya ng binata sa noo bago siya niyakap. "I will never let anyone hurt you again, Diana. Ipinapangako ko 'yan sa 'yo."

"Sinungaling kang lalaki ka." Pumatak ang mga luha ni Diana sa naalala. Deretsong tinungga niya na ang natitirang laman ng bote ng alak at sinaid iyon. "You're the one who's hurting me right now."

Sumagi sa isip niya ang ginawang pagpunta sa tahanan ng mga Serrano. Ilang ulit na rin siyang nakarating doon mula nang maging magkaibigan sila ni Alexis mahigit kalahating taon na ang nakararaan. Labas-masok na sila sa kwarto ng isa't isa kaya sanay na sa kanya si Manang Renata pati na ang mga kasambahay sa mansiyon ng kanyang pamilya.

Pero nang araw na iyon, pinigilan siya ni Manang Renata na puntahan si Alexis. Kung ano-anong palusot ang ginawa nito pero dahil mapilit siya, nakagawa siya ng paraan para puntahan pa rin ang kaibigan. Nang makita niya ang binata, saka niya naunawaan ang pag-aalinlangan ni Manang Renata. Dahil may ibang babae na kasama ang alaga nito sa kwarto. Pareho pang tulog ang mga ito habang magkatabi sa kama.

Kung tutuusin, kasalanan rin ni Diana kung bakit siya nakakaramdam nang ganoon ngayon. Wala naman silang usapan ni Alexis na magkikita. Plano niya lang sana itong sorpresahin at para na rin magpasama rito sa mall para mamili ng isusuot niya dahil sa nalalapit na Valentine's party nila sa Academy. Ang binata ang nag-volunteer maging escort niya. Huling party na iyon na pupuntahan nila kaya gusto na nilang sulitin dahil halos dalawang buwan na lang, ga-graduate na sila ni Alexis.

Wala siyang maipipintas sa pagkakaibigan nila. Kung tutuusin, spoiled best friend si Diana. Hatid-sundo siya ng binata. Simula nang maging kaibigan niya ito, hindi na siya nakasakay sa sarili niyang kotse. Hindi pa sila nagkatampuhan. Masayang kasama si Alexis. Kadalasan, maangas pa rin ito pero nasasakyan niya na iyon ngayon. Mahilig itong gumala kaya kung saan-saan sila nakakarating tuwing walang pasok sa Academy.

He was sweet and thoughtful. Parati siyang sinosorpresa ng binata sa iba't ibang mga regalong natatanggap niya rito mula sa mga nakatanim pa sa pasong bulaklak, tsokolate, stuff toys at mga pangdekorasyon sa hardin na pinakapaborito niya. May mga pagkakataon pang tinutulungan si ni Alexis sa pag-aayos ng kanilang hardin at sa pagtatanim ng mga bulaklak na mula sa kung saan-saan nila binibili. Kung malalaman lang ng lahat kung gaano kasarap maging kaibigan ang binata, alam niya na marami ang pipila para lang mapalitan siya.

Hindi humihinto si Alexis na kilalanin siya, mula sa mga pinakapaborito niya hanggang sa mga pinakaayaw niya. There were times when they would just sit in one corner and talk about almost everything. Alam na nito ang kwento ng buhay niya. Kusa niya iyong sinabi rito kung paanong alam niya na rin ang nangyari rito kahit pa una niya iyong natuklasan mula sa kanyang ama na nagkataong kasosyo pala ng ama ni Alexis sa pagmamay-ari nilang hotel.

"As much as possible, I don't want you to be friends with that Serrano guy, Diana." Naalala niyang sinabi pa ng kanyang ama nang unang beses na ipakilala niya ito at si Alexis sa isa't isa. "Kilala ko ang kanyang ama. Kahit na magkasosyo kami sa negosyo, ayoko pa rin sa kanya."

Comments

The readers' comments on the novel: Don't Let Me Go, Diana